iv. the chamber of satisfaction

12 1 0
                                    

present, spring
entry



         Everything is so, so messed up

Sobrang gulo na, sobrang nakakabobo na ng sitwasyon namin. Tangna. We just confirmed that Kio was really missing and bad news, the police wouldn't help us.

Hindi kami makapag file ng report dahil sa text ni Kio na nagsasabing magbabakasyon siya. Sa mata ng batas, they probably think we're like teenagers trying to play a prank. And I don't know whether to be amazed or scared with how my friends reacted to that.

I already expected Amara to make a move dahil siya ang mas may alam sa amin kung ano ang gagawin. Mas malapit si Amara sa batas dahil galing siya sa pamilya ng mga abogado. Isa ang angkan nila sa mga kilalang abogado sa lugar namin — buong bansa nga ata. I already expected her to rationally judge the situation pero hindi ko inaasahan na si Zack, Ravi at Tori ang magiging kasama niya sa paggawa ng plano.

Matapos kaming pina-alis sa presento, they started collecting CCTV footage all over the village. They even turn the whole house upside down just to search for anything, anything that can point out Kio's disappearance. Halos ilang araw ng pinag-aaralan ni Ravi at Tori ang mga footage. Si Zack naman na galing sa marangyang pamilya ay ginamit lahat ng koneksyon niya makagawa lang ng paraan para mahanap si Kio. Habang si Amara, abala sa Law School pero pinagaaralan pa din kung ano man ang nahanap niya sa bahay ni Kio.

Ravi is preparing for board exam, pati si Tori at may trabaho pa siya sa prep school. Zack is also working at their company. Habang ako na nag file ng bakasyon, wala man lang maiambag sa kanila.

I felt useless pero alam ko din na hindi dapat. Seeing them like this, like they know what they are doing, what they're searching for, makes me remember that I don't really know them.


As the youngest of our small circle, ako lagi yung pinoprotektahan. My eyes are always shielded from everything that's going on around us. Ako lagi ang nasa likod ng mga kaibigan ko.

Hanggang ngayon, nasa likuran pa din nila ako.

My friends looks like they are chasing for something, running after something and seeing something I couldn't see.

Just like how Kio sees a whole different world than the one I see.

— Allira

Midnight Requiem.Kde žijí příběhy. Začni objevovat