winter of third year, december

6 0 0
                                    

MESSAGES

• Kio🥰

Kio
Asan ka?

Lyra
napaghahalataan na tlaga na wala kang pake sa akin 🤕

sinabihan kita bago ako umalis kanina!

asa sentro

bili ng materials kasama groupmates ko

Kio
Lol, that's not what I meant.

I'm here, too.

Lyra
asan? 🧐

Kio
Sentro.

Lyra
ginagawa mo d2?

Kio
Materials.

Where are you?

Lyra
sa may food court

bk8?
read

Kio
My contact name in your phone looks interesting.

Lyra
??!???

hA?!!?

━━━━━━━━━━

winter of third year, december

       "You like me that much?" Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla nalang may bumulong sa tenga ko. Sobrang lalim ng boses na halos tumindig balahibo ko kasi kahit ganon, kilalang kilala ko sino nagmamay-ari ng boses na yun. Araw araw ko ba naman marinig sa bahay.

I was about to involuntarily shriek when he suddenly press a cone of ice cream in my mouth, agad napatikom ang bibig ko dahil dun. I glare at the ash haired guy in front me and accepted the cone of ice cream. I quickly clean my lips habang si Kio, nakangisi lang sa harap ko.

"Kio, para ka namang kabute pa sulpot sulpot." Reklamo ko at kinain na ang ice cream. Para sa akin ba'to? Para sa akin siguro tutal binigay din naman niya.

"Your group mates?" Natango ako at tumingin din sa direksyon ng mga kaklase ko na busy din kakabili sa isang stall. Bibili din sana ako pero nagpa-iwan muna ako sa table namin dahil baka ma-agaw.

"Sino kasama mo?" Tanong ko sa kanya. Simple niya lang tinuro ang direksyon ng isang lamesa kung nasan sina Eric, Amber at syempre, si Chanel. Kumaway ako kina Eric at Amber at agad din umiwas ng tingin dahil ang sama ng tingin ni Chanel sa akin.

Pasensya ka na girl, mahaba-haba talaga ang linya kay Kio.

Nang makabalik sina Bella, halos malaglag ang panga ni Isa sa gulat habang nakatingin kay Kio na nakatayo sa likuran ko. Gulat din ako, girl. Di ka nag-iisa.

Isa keep motioning to Kio with her eyes na napatango nalang ako. Si Isa naman, na star struck ata at ilang beses nang kumurap kurap kay Kio. Para bang hindi makapaniwala.

"Can I borrow Allira for a while?" Bigla tanong ni Kio dito sa mga kasama ko dahilan na mapakunot ang noo ko sa kanya. Walang kaalam-alam ano na naman trip neto.

"Si..sige lang! Kahit wag mo nang ibalik!" I look at Isa at shock. Nabighani ata na agad agad lang akong pinamigay.

Kio just smiled at them. Yung tipong ngiti na pilit at nandyan lang para magpakita tao dahilan na mapailing ako, hindi na pumalag at sinabayan  nalang kung ano plano nitong si Kio. "Balik ako." Paalam ko kay Isa at Bella na kumaway at tumango lang din.

"Kahit wag na girl! Enjoy!" Habol pa ni Isa, I make face at her in response.Pinagloko pa ako, siraulo.

"Maypa borrow borrow ka pang nalalaman. Hindi mo ba alam na walang refund dito?" Taas kilay kong tanong habang naglalakad sa tabi niya.

Kio just grin at me as he snorted. "Isn't that better? Ayaw naman kitang isa-uli." — nag malfunction ata utak ko.

And Kio, that guy knew his effect on me na tinawanan niya lang ang reaksyon ko. Pilit ko siya sinamaan ng tingin pero nagmukha lang siguro akong tanga dahil sa pula ng mukha ko. "Sa- Saan ba kasi tayo pupunta?" Pag-iiba ko ng usapan, nautal pa.

"Pancake house." Alam kong mag-aalas diyes pa lang. Hindi ba'to nag agahan?

"Gagi, wala akong pera. Ang mahal dun."

"Did I ask if you have money?" He rose a brow. "It's my treat." I repeatedly blink at him in astonishment. I can suddenly see the sparkles all over him.

"Gusto na ata kita." Biro ko sa kanya. To my surprise, he just smirk at me.

"Matagal na diba?" — the world suddenly stilled.

Natigil ako sa paglalakad dahil sa biglaan niyang tanong. Para akong mabibingi sa lakas ng tibok ng dibdib ko. I can already feel my hands growing clammy. Baka sinabi niya lang yun as a joke pero iba epekto nun sa akin dahil gusto ko naman tagala si Kio, matagal na. To me, it feels like he's finally seeing me and my feelings for him. Like he's finally recognizing me.

Hindi ako makahinga. My heart continue to throb erratically against my ribcage. Parang dati lang, pinanood ko lang si Kio mula sa malayuan, ngayon nandito na siya sa harapan ko. Ngayon, pwede na akong tumayo sa tabi niya.

Kio finally noticed I stopped walking as he look back at me and for some reason, when he saw me foolishly blinking at me, it makes soft chuckles erupt in his throat as a smile embrace his lips.

"Tara na." Aya niya habang tumatawa, hawak ang kamay ko at hinihila ako palapit sa kanya.

Tangina Kio, hindi ako makahinga.


━━━━━━━━━━

Midnight Requiem.Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang