autumn of third year, september

7 0 0
                                    

autumn of third year, september
Allira !


        "Kio!!!" Tawag ko agad sa kanya pagkalabas ko sa kwarto. Inis akong binalingan ng tingin ni Kio na kanina lang ay gumagawa ng plate niya.


"Wag kang lumapit dito, baka mapahamak mo pa plate ko." I make face at him as I enter the kitchen. Parang isang beses lang yun eh! Muntik kasi akong natapilok sa lamesa kung saan siya gumagawa ng plate, may dala dala pa naman akong kape nun. Buti nalang talaga na-balance ko din agad ang sarili ko.


"Kio, wala na tayong stocks!" Tawag ko mula sa kusina. Kinuha ko yung natitirang sachet ng kape at tinunaw bago bumalik sa sala. Bahagya akong nilingon ni Kio bago niya tinuon ulit ang atensyon sa ginagawa.


"Let's meet at front gazebo tomorrow after class." Saad niya na hindi man lang ako tinitignan.



Tumango pa din ako kahit hindi niya ako nakikita at pumasok ulit sa kwarto. "Okay!"




         Kinabukasan, sabay kami pumasok ni Kio. Medyo tugma kasi schedule namin ngayong semester kaya sumasabay na ako sa kanya papuntang school. Malapit lang naman talaga sana yung bahay sa campus namin, pwede ng walking distance kaso yung building namin ni Kio, sobrang layo. OASI is a big place, mag tatatlong taon na ako dito pero hindi ko pa din kabisado lahat ng pasikot sikot sa campus.



I attended my classes and have lunch with some block mates. In the past two years, minsan kasabay ko si Enzo kumakain, minsan kasama din si Ravi pero nitong taon lang talaga na madalas kong makasama si Kio kapag kakain sa labas. Ngayong taon lang din na pinapansin niya ako kapag nagkikita kami sa campus. It's new. It makes me feel things. Pansin ko din yung biglaang pag-bago ni Kio. Para bang bigla bigla niya akong pinapasok sa nagtataasang pader na pinalibot niya sa sarili niya. I didn't ask why he suddenly change, I decided to just take the chance and welcome the opportunity. Ngayon, masasabi ko na talaga na magkaibigan kami ni Kio.




Nang matapos ang huling klase ko sa hapon, sumabay na ako sa ibang ka-block ko papuntang front gazebo. Habang naglalakad kami bigla nalang ako tinanong ni Isa bakit nasabay ako sa kanila.




"May hihintayin ako." Sagot ko naman. Dudang duda silang nakatingin sa akin. Para bang may kadudaduda akong ginagawa.




"Yung jowa mong taga-Arki?" — I choked.




Gulat na gulat akong napatingin kay Isa, walang ka ide-ideya na alam nila ang koneksyon ko kay Kio. "Huh? Kailan pa ako nagka-jowa!? Imbento ka!" Tawa ko pero ramdam na ramdam ko yung panginginig ng boses ko. Kinililig ako, oo, pero mas nangingibabaw yung kaba!





"Lagi ka kasing dumidiretso sa carpark eh. Minsan ka nalang kaya sumasabay sa amin." Dagdag pa ni Bella. Mga sira-ulo! Bakit niyo naman pinapansin yun!?

Midnight Requiem.Where stories live. Discover now