1- Meet my Dream Boyfriend

6.7K 192 38
                                    


"When he's around, my whole body knows it. I'll keep talking and stuff, but my mind will have no idea what I'm saying. I keep wondering if there's a term for this."

- My So-Called Life


1- Meet my Dream Boyfriend


Siya si Carlo Martin Estrada. Gwapo, matalino, matangkad, kayumanggi, matangos ang ilong, mahaba ang pilik mata, magaling pumorma at napakakisig ng tindig. Siya ang boyfriend ko... in my dreams.

"Hoy! Bettina, anong ngini-ngiti-ngiti mo diyan? Nag-iimagine ka na naman ba sa 'dream boyfriend' mo." Napakamot ako sa ulo nang itinulak ako ng mahina ni Jeramae mula sa kiliran ko dahilan para malaglag ako sa inuupuang bench.

"Ito naman oh. Iyon na eh, malapit na sana eh. Disturbo ka talaga." Asik ko pa dito sa naputol kong pagpapantasya sa lalaki kanina habang pinanonood ko ang practice nila sa soccer.

Bumalik din naman agad ako sa pag-upo katabi niya.

"Bakit sasabihin mo na naman sa aking malapit na naman kayong mag-kiss?" wika pa niyang parang iyon na lang palagi ang naririnig niya sa akin.

Umiling-iling ako sabay ngumiti ng kinikilig habang nag-iimagine na naman.

"Tsk...tsk..."Napapailing na nilingon niya ako. "Ang lakas ng tama mo, Bettina..." wika pa niyang parang naaawa sa kalagayan ko. "Sige nga, ano na naman ang laman niyang imahinasyon mo?"

"Sinasayaw niya ako sa isang party." Nahihiyang wika ko pa habang pinipilipit ang dalawang kamay ko sa gitna ng aking mga tuhod at nakangiti na parang loko.

Napapailing pa rin na pinagmasdan ako ng babae at halata sa mukha nito ang pagkaawa sa akin. "Aigoo... aigoo... nasisiraan ka na nga talagang babae ka." Wika pa niyang sabay kinurot ang magkabilang pisngi ko.

"Aray..." nabiglang wika ko naman sa kanya bago niya binitawan ang pagkakahawak dun. Ilang sandali pa'y ibinalik ko na rin ang paningin kay Carlo na kasalukuyang pinapatid ang bola papunta sa net.

Tumayo ako para sikretong e-cheer ito nang tama namang pag-tira niya ay lumiko ang bola sa direksyon ko...

"No-no..." gulat na wika ko pa at aaksyon na sanang tatakbo para umilad ngunit sadya nga atang sa mukha ko maglanding ang bola... "Nice one... Carlow!" naidaing ko pa kahit umiikot na ang pananaw ko bago tuluyan ng natumba sa damuhan.

Narinig ko pa ang pagtatawanan ng iba niyang kasamahan at nakita ko namang lumapit sa akin si Jeramae.

Tinapik-tapik pa niya ang mukha ko. "Hoy, Betti, okay ka lang ba?" tanong pa niya sa akin na may dalang pag-aalala.

Nakatingala lang ako sa langit dahil parang may umiikot-ikot na bituin doon. "Okay lang ako, Jeramae." Sagot ko pa ditong tulala. Di pa sana ako tatayo nang sumilay naman ang nag-aalalang mukha ni Carlo sa harapan ko.

Nakatayo ito sa may uluhan ko banda at nakatingin sa akin. Hawak-hawak na rin nito ang bolang tumama sa akin.

'Ang gwapo mo talaga, Carlo.' Wika ko pa sa sarili habang pinagmamasdan ito.

"Hey! Okay ka lang ba?" tanong niya sa akin na ikinabalikwas ko naman agad ng bangon. Para itong magic beans na biglang nagpabalik ng sigla ko.

Dinig na dinig ko pa rin ang tawanan ng iba pero hindi ko na pinansin iyon.

"Ha? Ah...oo, okay lang ako...sige balik ka na dun..." sagot ko pa sa kanya na bahagyang kinurot pa ako sa kiliran ni Jeramae na nagtaka sa naging response ko sa lalaki.

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now