3- Would you be my Date?

3.1K 127 40
                                    

"We're all traveling through time together, every day of our lives. All we can do is do our best to relish this remarkable ride."

- About Time

Enjoy Reading:)

3- Would you be my Date?

Nang matapos na ang klase ay agad kong hinila ang lalaking may last name na Stavinski ba o Stavinchi... basta ewan... at ginuyod iyon palabas. Makakatikim talaga sa akin ang lalaking ito. Muntikan na ako kanina kung hindi nga lang...

"Teka, tinulungan din naman niya ako kanina ah." Mahinang wika ko pa sa sarili. Kuyod-kuyod pa rin ang kamay nito.

"Kahit na, siya pa rin ang may kasalanan." Wika ko pa tsaka dahan-dahang hinarap na ito nang nasa kalayuan na kami at wala ng masyadong tao.

"Ikaw! Ano bang problema mo't bakit-" Ganun na lamang ang pagkagulat ko nang paglingon ko ay hindi pala si Stavinski ang nahila ko kundi ang Dream Boyfriend ko. "Carlo?!"

Napatingin pa ako sa kamay nito na hindi ko pa rin binibitiwan. "Anong gina-"

Saka ko lang naisip na basta-basta na lang pala akong nanghila ng kamay sa pag-aakalang si Stavinski iyong nakatayo dun.

Agad din din naman iyang hinila ang kamay mula sa akin at tiningnan ako ng masama.

"Anong kailangan mo?" malamig na tanong nito sa akin.

Nag-iba naman agad ang timpla ng mukha ko nang ma-realize ang ginawa ko. Hindi ko mawari kung ngingiti ba o mahihiya dito.

"Ah... hehe... Ano kasi Carlo, ganito kasi iyon..." di-magkamayaw na pag-uumpisa ko pa. Nag-iisip kung ano ang susunod kong sasabihin. Sasabihin ko na naman bang hindi siya dapat ang lalaking kausap ko ngayon? Parang ang bastos ko naman gayung ako naman ang nagkamaling manghila dito.

Inip namang nakatingin lang sa akin ang lalaki. As usual, mabagsik pa rin ang ipinukol nito. Hindi ko mabasa kung galit ba o ano. Wala kasing ka-expre-expression. Tao ba talaga siya?

"Ah... ano...may gagawin ka ba bukas? Tama! Di ka ba busy bukas?" Nagbabakasakaling tanong ko na lamang sa kanya.

Wala namang naging ibang reaksyon ang lalaki kundi ang pukulan lang ako ng malamig na titig. Na-ko-conscious na tuloy ako sa sarili.

'Ba't ba tagos hanggang buto kung makatitig ang lalaking ito.' bulong pa ng utak ko habang naglabas ng pilit na ngiti sa mukha ko.

"Ah...hehe... nagbibiro lang ako." Iniwas ko ang tingin dito at itinaas pa ang kamay sa ere "Wala kang time kaya naiintin-"

"3:00 pm. Yashala Restaurant. Don't be late."

"Heh?" gulat na napatingin ako dito ngunit nakatalikod na ito't naglalakad na palayo sa akin. "Totoo ba ang narinig ko? O nananaginip na naman ako." Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa sarili kaya naman ay lumingon-lingon ako sa paligid at naghanap ng pwede kong maging indicator na totoo lahat ng 'to.

Nakita ko naman si Stavinski na nakatayo di kalayuan sa akin kaya natutuwang nilapitan ko ito. Nawala bigla sa isipan ko ang kasalanan niya sa akin kanina.

"Ku-" hindi ko pa nga maibuka ng maayos ang bibig ko ay naramdaman ko na ang malakas na pagpisil nito sa pisngi ko kaya napa "Aray!" ako ng malakas.

Agad ko namang tinampal ang kamay nitong nakahawak sa pisngi ko't tiningnan ito ng masama. "Ang sakit nun ha?" saad ko pang hinaplos-haplos ang pisngi ko't naglabas din naman agad ng masiglang ngiti sa labi ko.

Hinawakan ko ito sa magkabilang kamay at napatalun-talon sa tuwa.

"Totoo nga! Totoo nga'ng may date kami bukas..." Excited ko pang wika sa kanya. Nakahawak pa rin ang mga kamay ko dito.

My Dream BoyfriendKde žijí příběhy. Začni objevovat