21 - Facebook Notification

1.1K 56 7
                                    

Bettina:

Ilang minuto pa matapos naming makarating sa bahay ay kinatok niya ako sa silid.

"Bukas iyan." Sagot ko pa at agad din naman siyang pumasok.

Nalula naman ako nang makita ko lahat ng librong dala nito. "Huwag mong sabihing ipapabasa mo iyan sa akin."

"No! Pwedeng tingnan mo lang iyan. Tapos sabihin mo sa akin kung ano ang natutunan mo."

Napatawa ako ng sarkastiko. "Ha-ha...Ha-ha-ha...Nakakatawa ka, Stavinski."

Inalapag niya iyon sa may table ko. "Ano 'to? Magre-review ako for licensure exam?"

Umupo siya sa kama at tiningnan ako. "Ang sabi ni Tito bumaba daw ang grades mo kaya dapat daw makabawi ka."

"Okay na din iyon kesa naman sa mabagsak ako."

"Ang babaw naman ng pangarap mo."

"Ano bang pakialam mo?"

"Umpisahan mo iyan." Sabay abot niya sa libro.

"Ayoko!" pagmamatigas ko pa't umupo na lamang sa harapan ng computer.

Nagbukas ng FB at nag-check ng notifications. Walang notifications. Poor! Nangalumbabang wika ko pa bago iniscroll-scroll ang ibang mga post doon.

"Bettina!" narinig ko pang sigaw niya kaya natatarantang napatayo ako at napayakap pa sa sarili ko.

"Oo na! Sige na... Eto na nga o, magbabasa na." agaw ko din naman agad sa libro mula sa kamay niya. Binasa ang front page. "Cryptography--?" kunot noong binuksan ko pa ito bago umupo sa silya. "May subject ba kaming ganito?" napaisip pa ako saglit.

Narinig ko namang napa tsk-tsk ang lalaki.

"Ano na lang kaya ang laman ng utak mo?" napapailing na tanong pa niya sa akin na nginitian ko naman agad.

"Si Carlo." Ngisi ko pa dito.

Umaksyon naman siyang batukan ako kaya napangusong ibinalik ko na lang ang atensyon sa libro.

"Hindi ka na nahiya sa mga magulang mo. Puro matatalino samantalang ikaw passing grade lang ang kaya?"

"Matalino ako ah!" depensa ko pa.

"Tamad ka nga lang." dugtong pa niya na inismiran na lamang ito at nagbasa na.

"Lahat ba ng pahina babasahin ko?"

"Hindi! Pagmamasdan mo lang. Baka sakaling ma-process lahat ng utak mo." Pasarkastiko pang saad niya.

"Pilosopo. Umalis ka na nga lang at hindi ako maka-concentrate." Pagtutulak ko pa dito.

Tumayo din naman siya mula sa pagkakaupo sa kama at tiningnan ako ulit. "Basahin mo iyan ha? Huwag kang mag-aatubiling tumakas kung hindi isusumbong kita sa Papa mo."

"Oo nga... Mahahanap mo rin naman ako kahit umalis ako." sukong itinaboy ko na lamang ito palabas.

Stiles:

Pasikreto ko namang kinuha ang kwentas niyang nakalagay sa table na may mga accessories at lumabas na ng silid.

Agad akong tumungo sa sala at pinag-aralan kung anong koneksyon nito sa papel na kinuha ko dati.

Posible kasing ang makakasolba nito ay ang aluminum capsule na'to. May mga cases kasi na magkasama ang lock at key. Pero, wala akong maisip kung ano iyon dahil wala namang isang clue. Hindi rin pangkaraniwan ang ganitong klaseng encryption kaya mahirap itong i-solba maliban na lang kung may alam ka talaga sa cryptography.

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now