2- Truth or Illusion

3.9K 150 38
                                    

"You see in all my life I've never found what I couldn't resist, what I couldn't turn down. I could walk away from anyone I ever knew, but I can't walk away from you." 

- Garth Brooks


2 -Truth or Illusion


Pinigilan ko ang mapasigaw sa huling sinabi ni Carlo. Ibig sabihin ba nun ay hindi niya ako ni-rereject? Wow! As in wow! Parang hindi yata ako makapaniwala sa sinabi niya. Kaya naman ay bumalik ako sa lalaking nakatayo pa rin hanggang ngayon sa isa sa mga bench.

"Kurutin mo nga ang pisngi ko." Utos ko pa dito nang makalapit ako.

Nagtataka namang napatingin siya sa akin. Hindi ito gumalaw at nakamasid lang kaya naman ay kinuha ko ang kamay niya at inilapit iyon sa pisngi ko.

"Sige na! Kurutin mo na ako." Pagkawika nun ay agad din naman niyang pinisil ang pisngi ko.

"Aray!" sabay na wika ko pa sa ginawa niya kaya naman ay napalundag ako. "So, totoo nga... Totoo ngang sinabi niya sa akin ang mga bagay na iyon." Natutuwa ko pang wika sa sarili habang nakahawak sa kamay nito.

Inilapit ko pang muli ang kamay nito sa pisngi ko at hinaplos iyon habang nag-iimagine na naman.

"My Carlo, kung alam ko lang na ganyan ka kabait sa akin sana noon ko pa naisipang magtapat sayo." Wika ko pang napapikit at ginawang unan ang kamay ng lalaki.

Kaya naman nang bigla nitong hilahin ang kamay niya ay ganun na lamang ang pagkagulat ko.

"What are you doing?" inis na tanong pa nito sa akin.

Naitikom ko naman ang bibig nang ma-realize ko ang ginawa ko sa kanya.

"Ah... hehe... sorry." Wika ko pa na napakamot sa batok at hindi makatingin ng maayos dito. "Masyado lang akong excited." Nahihiyang wika ko pa dito.

"Bakit ano bang sinabi niya sayo?" tanong pa niya sa akin.

Napatingin naman ako dito nang maalala ang sinabi niya kanina.

"Ba't ko naman sasabihin sayo? Magkakilala ba tayo?" tanong ko sa kanyang nakataas ang isang kilay.

"Ah... kaya naman pala kulang na lang ay higaan mo ang kamay ko kanina... kasi hindi natin kilala ang isa't-isa."

Bigla naman akong pinamulahan ng pisngi sa sinabi niya kaya iniwas ko ang tingin dito at humalukipkip.

"Na-excite ako eh, bakit ba? Diyan ka na nga." Wika ko pa bago nagwalk-out. "Yabang nito... Kala mo naman gusto ko rin ang ginawa ko." wika ko pa sa sarili habang naglalakad.

——

"Jeramae!" sigaw ko pa sa pangalan ng kaibigan ko nang makita itong nakaupo na sa pwesto namin sa canteen kinabukasan para kumain ng pananghalian.

Napangiwi pa ang babae nang marinig ako. Nagsipagtinginan naman ang ibang mga studyante sa  inakto ko at agad din naman akong nanghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo ko sa mga ito bago nagmamadaling lumapit sa table na kinauupuan ni Jeramae.

Nakangising umupo ako sa katapat na silya.

"May good news ka ba?" supladang tanong nito.

Minsan nagtataka na ako sa sarili kung bakit naging kaibigan ko 'to. Ang layu-layo namin sa isa't-isa ng ugali eh...

"Guess mo kung sinong nakausap ko yesterday." Excited na wika ko pa sa kanya na pinagtaasan lang ako ng kilay.

"Sino? Si Carlo na naman? Napanaginipan mo na namang nagdedate kayo? O di kaya niyaya ka niyang mamasyal? O baka naman naging kayo na?" saad pa nitong parang hindi interesado sa sasabihin ko.

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon