10 - 20 Minutes and Beyond

2.6K 147 42
                                    

"When everything changes we learn who we really are. What's really important. What we want most. We discover the truth in moments of disarray."


———


10 – 20 Minutes and Beyond

Bettina:

"Manong, diretso niyo na po ako sa condo ni Carlo." Saad ko naman kay Manong nang makasakay na ako sa kotse dala-dala ang mga gamit na inihinanda ko para sa kanya.

"Kina Carlo ba kamu iha?" gulat naman na tanong ni Manong sa akin.

Nakangising tumangu-tango ako.

"Tama po kayo. Birthday niya kasi ngayon kaya gusto ko ako iyong unang taong babati sa kanya."

"Napaka-sweet mo talagang bata ka ano?"

"Siyempre naman po. Para naman makita niya kung gaano siya kaimportante sa akin." ani ko pa dito.

Tumangu-tango na lamang si Manong bago tahimik na rin na minamaneho ang sasakyan.

Hindi naman maalis sa pisngi ko ang pagkakangiti dahil dumating na naman ang araw na 'to.

'Sa wakas may pagkakataon na rin akong magpakita sa kanya.' Wika ko pa sa sarili.

 Dati ko na kasing ginagawa ang mga bagay na ito kapag kaarawan niya. Kaya nga lang hindi ako nagpapakita dito. Nilalagay ko lang iyong regalo ko at ang maliit na hugis-puso na cake sa harapan ng pinto niya at hinihintay na kunin iyon.

Napapatingin pa nga siya sa paligid kapag nakikita niya iyong nakabalandra sa daanan niya pero ang ipinagpapasalamat ko ay kinukuha naman niya iyon. Pero di nga lang nawawala ang pagkakakunot-noo nito. Kunsabagay kahit ako magtataka din kung makakakita ng ganun sa harapan ng pinto.

Sana nga lang hindi niya tinatapon ang mga bagay na iyon.

Bumuntong-hininga na lamang ako sa naisip bago ko narinig ang malakas na pagkakatapak ni manong sa preno ng sasakyan at muntikan na din akong masubsob sa harapan kung di nga lang ako nakahawak agad.

"Ano pong nangyari?" tanong ko din naman agad dito.

Nag-aalala namang binalingan ako ni Manong.

"Okay ka lang ba, Bettina?" tanong naman nito sa akin.

Tumangu-tango naman ako at napatingin sa harapan.

Nakita ko ang pulang sasakyan na nakahinto sa harapan namin kaya naman ay lumabas agad ako at nilapitan iyon.

Kung kailan nagmamadali ako ay siya pang pagkakaroon ng aberya. Ilang minuto na lang ay mag si-six-thirty na, hindi ako pwedeng ma-late dahil ni minsan ay hindi pa ako na-late sa pagbigay ko ng regalo dito.

Kinatok ko naman iyong bintana ng driver's seat at ibinaba naman agad iyon ng driver bago ako hinarap at tinanggal ang suot nitong shades.

Pero ganun na lamang ang pagkagulat ko nang mapagsino ito. "Stavinski?" naglalakihang mga matang tawag ko pa sa pangalan niya.

Agad din naman niya akong nginitian. Iyong ngiting alanganin. "Naku! Paano ba iyan, naubusan yata ako ng gas." Narinig kong wika nito na ikinabalik ko naman agad sa huwesyon.

At naiinis na naglabas ng buntong-hininga at pinaningkitan ito ng mga mata. "Ano naman bang trip to, Stavinski?" saad ko pang nanggagalaiti sa inis.

Nakita ko namang lumapit sa amin si Manong. "Anong problema, Bettina?" tanong din naman nito at tiningnan ang lalaki.

"Pasensya na po, Manong ha? Nakalimutan ko kasing magpa-gasolina kanina." Nakakamot pa sa batok na baling pa nito kay Manong Roberto.

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now