19 - Run, Bettina, Run!

1K 55 8
                                    


Bettina:

"Mukhang malungkot ka ata ngayon, Bettina?" puna ng mama habang kumakain kami ng pang-umagahan.

Napatingin naman ako sa kanila. Parehong tutok ang mga mata nila sa akin. "Po?" saad ko pa nang makabawi.

Napailing naman si Mama habang binabasa ang laman ng utak ko. "May problema ka ba?"

"Po? Ah... wala naman. Kulang lang siguro ng tulog." Pag-iiwas ko pa sa mga mata ko.

"Kumusta iyong date niyo ni Carlo kahapon?" si papa naman ang nagtanong.

Hindi ako lumingon sa halip ay napabuntong hininga lamang ng mahina.

"Hindi naman po kami nag-date, papa." Malungkot na wika ko pa dito.

"Saan kayo galing?"

"May ginawa lang po kaming research." Pagsisinungaling ko pa.

Hindi naman sila sumagot pero kita ko sa gilid ng mga mata na nakamasid lang sila sa akin.

"Malungkot ka ba dahil walang date na nangyari?" si mama naman ang nagtanong.

Walang ganang umiling ako. "Hindi naman, mama. Nakasama ko rin naman siya." Saad ko pa.

"Bettina?"

Napalingon ako dito.

"You can talk to me whenever you want, okay?" malumanay na wika pa niya sa akin.

Tumango ako.

"And by the way, may lakad kami ng papa mo kaya papupuntahin muna namin si Stiles dito."

"Po?" gulat na tanong ko pa sa kanila na hindi naman nila inaasahan kaya napaawang ang mga labi nila. "Si Stavinski po?" paninigurado ko pa.

Nagsalubong naman ang kilay ni mama habang binabasa ang ekspresyon ko.

"Oo, iyong anak ng Tita Jamaica mo."

Bigla namang naningkit ang mga mata ko. Bakit naman pati weekends ay magsasama pa rin kami.

"Mama, okay lang ako kahit walang kasama." Tutol ko pa na ikinangiti naman nila ng sikreto.

"I guess, late ka na..." si papa iyon na tinuro naman ng mga mata niya ang isang direksyon. "Kasi nandito na siya."

Nagsalubong naman ang kilay ko nang makita ko itong papalapit na sa mesa.

"Stavinski, anong ginagawa mo dito?" I gritted my teeth in disbelief.

Nginitian naman niya ako na parang loko.

"Hi!" saad pa niyang sabay kaway. Binalingan naman niya sina mama't papa. "Hi! Tita, Tito. Sorry medyo na late ako." narinig ko pang wika nito.

"Maupo ka na, Stiles. Sabayan mo na kami." Si papa naman ang nagsalita.

"Tapos na po ako, Tita." Sagot din naman nito pero naupo pa rin sa tabi ko.

Siniplatan ko pa ito bago hinarap na rin ang pagkain.

"Stiles, ikaw na muna ang bahala sa kanya ha? Medyo matatagalan kasi kami sa pagbalik kaya ikaw na muna ang magbantay sa kanya, pwede ba?" Pagpapatuloy pa ni papa na ikinalaki naman ng mga mata ko.

"Ano pong ibig sabihin niyo, papa?"

Napatikhim naman si Mama habang pinunasan naman ni Papa ang bibig niya ng table napkin.

"Mag-a-out of town lang kami ng mama mo. Business trip. May kailangan lang din kasing asikasuhin kaya mga isang linggo din kaming mawawala."

"Po? Kung ganun isang linggo kaming magkakasama ng lalaking 'to sa iisang bubong?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ko pa.

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon