Prologue

6.4K 183 29
                                    

Azalea:

"Anong anak niyo, Zach? Babae ba?" Excited na tanong pa ni Jamaica nang makarating siya sa bahay namin. Kasunod naman niya si Aiden.

Sila kasi ang nagkatuluyan ni Aiden. Matapos ang operasyon ko ay dun ko lang nalaman na nakatakda palang e-engage ang dalawa pagtungtong ng eighteen ni Jamaica.

Kaya naman pala napapansin kong parang may something iyong dalawa noong nasa highschool pa kami kasi pinagkasundo naman pala ang mga ito ng mga magulang nila. At kailangan nilang magsama palagi.

Sa umpisa, kagaya namin ni Zach, ay nagbabangayan din naman ito.

Pero sabi nga nila "the more you hate the more you love" kasi sila din naman ang nagkatuluyan at mahal na mahal din nila ang isa't-isa. Matapos ang kasal namin ay sila din naman ang sumunod at biniyayaan naman agad ng anak makalipas ang ilang buwan.

Isang taon na si Bettina at medyo makulit na din ito. Galing pa ng ibang bansa ang dalawa dahil nagbakasyon sila dun kasama ang anak nila.

Tumango naman ako.

"Babae, best." natutuwang sagot ko pa sa kanya at agad din namang kinarga si Bettina.

"Wow! Ang cute-cute naman ng anak niyo, Zach." Si Aiden naman ang nagsalita at nilaru-laro niya ang bata.

Tiningnan ko naman ang anak nila. Apat na taong gulang na ito. "Hi Cutie! Kumusta ka na?" tanong ko pa sa kanya bago ito niyakap. Mabait ito na bata at matalino kaya sumagot din naman siya.

"I'm okay, tita. My mom told me that we should visit my soon-to be-bride. What was that mean?"

Napatawa ako sa sinabi niya. Tiningnan ko si Jamaica at ganun din naman ito. Kunot-noo namang napalingon din sila Zach at Aiden.

Ginulo ko naman yung buhok ng bata at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Nah! Just don't mind your mom. You don't have to worry about that."

"Is it not important?" Tanong pa niya.

Umiling-iling naman ako habang nakangiti pa rin.

"No."

"Okay." Sagot din naman agad niya.

"Ang bait naman ng batang 'to." Saad ko pa dito sabay halik sa pisngi nito.

"Sige, maglaro na kayo ni Bettina." Wika ko pa sa kanya at tumakbo na naman siya papunta sa babae.

Iniwanan naman namin ang dalawa sa kwarto at pumunta na sa sala.

"Itutuloy mo ba talaga ang pagtakbo, Zach?" tanong naman ni Aiden sa lalaki.

Tumango ito. Napag-isipan na din kasi naming pumasok sa pulitika para naman magkaroon din ng maayos na pamamalakad dito.

"Pero hindi birong kalabanin ang ibang pulitiko, Zach. Baka malagay pa sa alanganin ang buhay niyo." Nag-aalalang saad naman ni Jamaica.

"Okay lang naman kahit matalo. Sugal naman talaga ang ganitong bagay."

"Pero paano kung manalo ka?"

"Then, it's about time to reveal the truth..." makahulugang saad pa nito.

Napatangu-tango na lamang ang dalawa at masaya namang bumaling sa akin si Jamaica.

"Best, iyong usapan natin tungkol sa dalawang bata ha?"

Nginitian ko naman ito. "Huwag kang mag-alala at matutuloy iyon kahit anong mangyari."

Pareho namang napatingin ang dalawa sa amin.

"Anong usapan naman iyon?" sabay na tanong pa nila na ikinatawa lang namin.

--- <<<< ---- >>>> ---

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now