9- Say Kimchee

2.5K 132 32
                                    

"I've looked around enough to know that you're the one I want to go through time with." -Jim Croce

——- ————


9 –Say Kimchee


Carlo Martin:

Napangiti ako ng sikreto habang sinusundan ng tingin ang pagtakbo ng babae at napapailing na pumasok na sa loob ng toilet nang medyo nakalayo na ito.

Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako sa banyo at binabaktas na ang hallway para pumunta na sa boys locker. Last na kasi itong subject na 'to para ngayong araw at kailangan ko ng magpractice ng soccer.

Paliko na ako sa isang kanto nang bigla naman siyang sumulpot sa harapan ko. Sikreto akong nagulat dahil hindi ko naman namalayan na nakaabang pala siya ngayon.

May dala itong vitamilk at nakalahad na iyon sa akin.

Tiningnan ko ito ng masama.

"Energy Drink." Saad naman din niya agad sa akin habang nakangiti.

Pinaglihi siguro to sa smiley face.

"Alam ko." masungit na saad ko dito.

Kinuha niya ang kamay ko at pilit na pinahawak niya iyong bote.

"Sige na. Kunin mo na iyan."

Napakunot naman ang noo ko sa inakto niya.

Wala ba talagang kadala-dala ang babaeng 'to?

"Hindi ako umiinom niyan." Saad ko pa at ibinalik ulit sa mga kamay nito ang bote at bumalik na sa paglalakad.

"Sungit naman, di man lang na-appreciate ang effort kong pumila para mabili to para sa kanya. Marami kayang tao dun kanina." Narinig ko pang wika niya mula sa di kalayuan at sa tingin ko'y nakasimangot na ito.

Ano ba, Carlo huwag kang magpa-affect. Bulyaw naman ng utak ko ng maramdaman kong bumabagal na ang paglalakad ko.

Kaya naman sa bandang huli ay napahinto ako't pumihit pabalik sa kanya. Nakatalikod na rin ito't naglalakad na sa kabilang direksyon.

Agad ko din naman siyang nilapitan at kinuha ang hawak nitong Vitamilk at walang sabing tumalikod na.

Nakita ko naman itong napangiti sa ginawa ko pero di ko na lang iyon pinansin at mabilis na naglakad palayo sa kanya.

Napapailing naman ako sa sarili nang makita ang hawak na Vitamilk. Hindi ko naman 'to pwedeng inumin kasi sensitive ang tiyan ko pero bakit tinanggap ko pa rin ito?

Napabuntong-hininga na lamang ako at ipinagpatuloy na ulit ang paglalakad ko.

Bettina:

Napa-yes ako ng sikreto matapos tumalikod ni Carlo sa akin at bumalik na rin ako sa paglalakad.

Sino ba naman ang hindi no? Pinaghirapan ko iyong pilahan sa counter dahil maraming bumibili tapos hindi lang pala niya tatanggapin.

Eh sino ba naman kasing nagsabi sayo na bilhan mo siya? Bulyaw naman ng isang parte ng utak ko.

Napanguso na lamang ako. At least, tinanggap niya. sagot naman ng isa habang napapatawa sa sarili.

Napahinto naman ako nang makita kong nakakunot-noo si Stavinski na nakasandal sa may rails ng hallway habang nakatingin sa akin.

"May deperensya ka ba sa pag-uutak?" saad niyang ginaya ang pagkakasabi ko noon.

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now