16-Capsule's Message

1.3K 64 12
                                    


Bettina:

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nakita ko naman si Carlo na papunta sa direksyon ko kaya nakangiting nilapitan ko ito.

"Carlo." Bati ko pa sabay hinto sa harapan nito. Napatingin naman siya sa likuran ko at nagtatakang binalingan ako. "Ah, may hindi lang kami pagkakaunawaan." Sagot ko din naman sa pagtataka nito.

Nagpatuloy na lang din siya sa paglalakad at sinundan ko naman siya. "Papunta ka ba sa canteen?"

Tumango siya.

"Papunta din ako dun sabay nalang tayo."

Nilingon niya ako. "Sigurado ka?" tanong pa niya sa akin. Siguro dahil nakita niya akong papunta sa kabilang direksyon kanina.

"Ah... Ngayon... Sigurado na ako..." wika ko pa sabay iwas ng tingin dito.

"Saan ka galing kahapon?" tanong naman niya sa akin na ikinalingon ko dito.

'Hinanap niya ba ako?'

"May hinatid lang ako saglit." Sagot ko pa dito. "Inutusan kasi ako ni mama."

Tumangu-tango naman siya. "Hindi ba sumama ang pakiramdam mo ng araw na iyon?" tanong pa niya sa akin na ang tinutukoy ay ang pagkabasa ng ulan.

"Hindi naman. Malakas ata resistensya ko." proud na sagot ko pa dito.

"Sa susunod huwag ka ng magpapaulan lalo pa't manipis ang suot mong damit." Saad naman niyang ikinapamula ng pisngi ko.

"May pang-ilalim naman akong damit nun eh." nahihiyang saad ko pa dito.

"Kahit na. Huwag mo pa ring gagawin iyon." Saad naman niyang nagpatiuna ng maglakad.

Napatingin naman ako dito at biglang kinilig sa sinabi niya. 'Concern siya sa akin?' nangingiting wika ko pa sa sarili at hinabol ito.

"Salamat nga pala sa pag-aaruga mo sa akin nun." Wika ko pa nang makalapit.

Tumango lang siya ulit. Saka tahimik na din kaming naglakad papunta sa canteen. Ilang sandali pa ay nakarating na rin kami.

"Hindi mo ba kasama ang kaibigan mo?" tanong pa niya nang makalapit kami sa counter.

"Nah! Busy iyun sa Thesis niya." saad ko pa habang tumitingin ng o-oorderin.

Nang makapili naman kami at nang babayaran na namin iyon ay nagbuluntaryo namang siya ang magbabayad ng inorder ko kaya kinikilig na hinayaan ko na lamang ito.

"Salamat." Saad ko pa nang maiabot sa kanya ang sukli ng tindera at naglakad na kami papunta sa bakanteng table.

"May lakad ka ba bukas?" tanong pa niya sa akin nang isusubo ko na sana ang pagkain.

Napatingin naman ako dito. "Niyayaya mo ba, ako? May oras ako para sayo." Mabilis na sagot ko pa dito na ikinalingon niya sa akin.

Napaawang naman ang labi nito sa inakto ko. Naiiling na napatangu-tango na lamang siya saka ko nakitang ngumiti ito ng sikreto.

"Ngumiti ka, nakita ko iyon." Saad ko pa sa kanya na ikinalingon niya ulit sa akin.

Tinuro pa niya ang sarili at tumango naman ako.

Sinundot ko pa ang kabilang balikat nito mula sa harapan niya at kinikilig na napangiti. "Huwag ka na kasing mahiya."

Napailing naman siya at napatawa ng mahina. Tumawa na lang din ako dito. Pinagtinginan naman kami ng ibang mga estudyante.

Nagkibit balikat na lamang siya't hindi pa rin naaalis ang ngiti nitong binalingan na lang ang pagkain niya.

-----

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now