17- Heartbreak

1.6K 82 25
                                    

Bettina:

"Di ka ba natatakot mag-motor?" tanong ko pa dito habang nagbabyahe kami.

"Bakit naman?"

"Delikado kasi ang mga ganitong sasakyan."

"Kung oras mo na talaga, talagang oras mo na." saad pa niya sa akin. "Kahit anong uri ng transportasyon ay delikado. Depende lang iyon sa nagdadala. Kung reckless ka siguradong may mangyayari talagang masama sayo."

"Kailan ka pa natuto?"

"Third year. Hindi mo ba alam iyon?" Natatawa pang tanong nito.

"Akala mo lang marami akong alam tungkol sayo." Pasigaw na wika ko pa dito.

Hindi na siya nagsalita pa at mas pinabilis pa niya ang pagpapatakbo ng sasakyan.

Medyo malayu-layo din ang binyahe namin at hindi pamilyar sa akin ang daan tinatahak namin.

Nagtaka naman ako nang ang hinintuan naming lugar ay maingay at puno ng mga nakaparadang motorsiklo at nagtatakbuhang mga motor na akala mo'y mga rider.

Pinatay niya iyong engine ng sasakyan niya kaya bumaba na ako. Kunot ang noong napatingin ako sa paligid.

Nagsisipaghiyawan pa ang iba habang nanonood sa nakamamatay na karera.

"Carlo, anong ginagawa natin ngayon dito?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

"Gusto kong ipakita sayo ang mundo na meron ako, Bettina." Seryosong mungkahi pa niya.

Napatingin ako dito. "Huwag mong sabihing sumasali ka sa mga karerang iyan?" Gulat naman na tanong ko dito.

"Mas maiging maaga pa ay makilala mo na ako. Hindi ako katulad ng iniisip mo, Bettina. Kaya manood ka ng mabuti kung ako ba talaga ang Carlo na gusto mo."

Nakita ko itong naglakad papunta sa lalaking nakatayo sa starting line ng karerahan. Malaki ang katawan nito, mahaba ang buhok at maraming tatoo sa katawan.

Kinausap niya ang lalaki at may iniabot naman itong maliit na papel sa kanya. Pagkatapos nun ay nakita ko na itong palapit sa akin.

Sumakay sa motorsiklo niya at pinaandar iyon.

"Carlo, anong gagawin mo?" nag-aalalang tanong ko pa dito.

Ngunit hindi niya ako sinagot sa halip ay pinatakbo lang niya ang motor na parang matrix papunta sa harapan.

Nagsipaghiyawan naman ang mga tao dun nang makita nila si Carlo.

"Carlo! Carlo! Carlo!" Pag-che-cheer pa ng mga ito sa kanya habang nakahintay sa go-signal.

Agad din naman akong lumapit dito at tinanong muli ito. "Carlo, ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba alam na delikado ang motor racing?" mahinang saad ko pa sa kanya ngunit nagmistula lamang itong bingi at hindi ako pinapansin.

Patuloy lamang ito sa pagre-rebolusyon sa motor niya.

Hinawakan ko pa ito sa kamay niya ngunit pinukulan naman niya ako ng masamang tingin.

Bigla akong nakaramdam ng takot. Bakit parang hindi na ito ang dating Carlo na nakilala ko? Ibang-iba ito ngayon. Puno ito ng galit at determinasyon. Na para bang wala ng makakapigil sa ginagawa nito.

"Sinasadya mo bang gawin 'to sa akin?" ramdam ko na ang parang pangingilid ng mga luha sa aking mga mata.

"Bakit? Ayaw mo na ba?" paasik naman na tanong niya.

"Carlo!" hindi makapaniwalang sambit ko naman dito.

"May back-ride daw." Sa halip ay sigaw nito sa in-charge kaya naman ay nagsipagsigawan muli ang mga tao doon ng "BACK RIDE! BACK RIDE".

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now