11-Gifts & Hearts

1.9K 86 11
                                    

My goodness! Ang tagal ng UD ko. Andyan pa ba mga readers ko? Pasensya na talaga. Muntik ko na makalimutan na may account pala ako sa wattpad... echos...haha...

Maraming salamat sa pag-aabang ng maraming taon... este.. buwan pala... over ng taon..

Okay, so ito, mga tatlong chapters ang handog ko sa inyo...

Hope you enjoy  At hintay naman kaya ng dalawang buwan bago ang update... haha.. joke lang... pagsisikapan kong makaupdate agad.... Waaa... God willing...

Thank you guys,

Enjoy!!

-----------------------------------------------------------------------

Chapter 11 – Gifts & Hearts

Stiles:

"What about Carlo?" nakakunot-noong tanong ko pa dito.

"Hindi ko na siya napuntahan." Naiiyak na naman ito kaya itinuon ko na lang ang pansin sa harapan.

Napangiti ako ng sikreto dahil nasira ko na naman ang plano niya. Sinadya ko naman talagang huminto dito nang sa ganun ay hindi na niya mapuntahan pa ang lalaki.

Para kasi siyang desperada na habol ng habol dito na parang wala ng ibang magkakagusto sa kanya. Si Tito Zach din naman ang nagbigay sa akin lahat ng impormasyon tungkol sa mga pinaggagawa niya para kay Carlo.

Hindi naman tutol ang ama niya talaga dito, ang gusto lang naman niyang mangyari ay hindi masaktan ang anak niya. Kaya hangga't maaari ay mas mabuti daw na may mapagtuunan siya ng ibang pansin nang sa ganun hindi lang umikot ang mundo niya kay Carlo.

"Ano bang meron?" pagkukunwari ko pa.

"Hindi ko na nabigay ang regalo ko sa kanya." Wika pa niyang hindi na maipinta ang mukha.

"Umayos ka nga, Bettina. Para kang bata."

Nakita ko ang paglaki ng mata niya habang nakamasid sa harapan.

"Si Carlo papunta dito." narinig ko pang wika nito bago nagmamadaling lumabas sa kotse.

Hinawakan ko naman ang kamay niya. "Saan ka pupunta?" Seryosong tanong ko pa dito ngunit tiningnan niya lang ako at iika-ikang lumabas ng sasakyan.

Pumunta siya sa harapan ng kotse at pinara niya ang motorsiklong sakay ang lalaki. Napahinto naman si Carlo nang mapagsino ang babae.

Buti na nga lang at tumila na ang ulan ngunit mga basa pa rin kami. Agad din naman akong bumaba ng sasakyan ngunit napahinto lang din nang mabuksan ko ang pinto ng sasakyan.

"Carlo..." narinig ko pang wika ng babae dito.

"Bettina?" nagtataka namang tanong nito sa kanya na hindi makapaniwala matapos nitong hubarin ang suot na helmet. "Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong pa niya at agad din namang bumaba ng motor at nilapitan ang babae.

"Carlo, I'm sorry. Ako dapat iyong unang makapagbigay ng regalo mo pero nagkaaberya lang kasi." Narinig ko pang wika ng dalaga kaya naman bago pa man ako makita ng lalaki ay bumalik na lang ulit ako sa loob ng sasakyan.

Ilang araw ko pa lang nakakasama si Bettina pero nararamdaman ko dito kung gaano niya kamahal ang lalaki dahil kayang-kaya niyang gawin ang lahat para dito.

Napangiti na lamang ako habang nakamasid sa mga ito.

Sa nakikita ko kasi hindi magagawang saktan ni Carlo ang babae dahil kung wala siyang gusto dito edi sana noon pa pinagtabuyan na niya ito.

Carlo Martin:

Agad kong hinubad ang suot kong jacket at ipinasuot iyon kay Bettina nang makalapit ako sa kanya. Basa ito at halatang nilalamig pa.

My Dream BoyfriendWhere stories live. Discover now