6- Picture Taking

2.6K 123 31
                                    

"You always come back when I'm at my weakest—when I'm fool enough to let you in. Sayin' how this time around is different—asking if I want to try again."

 - Tim McGraw, "I Do But I Don't"

——- ———— ——-

6-Picture Taking

Stiles:

"Anong nangyari sa mukha mo, Stiles?" nag-aalalang salubong sa akin ni Samantha nang makarating ako sa condo.

Nagulat naman ako nang makita ito. "Samantha? Kelan ka pa dumating?" tanong ko naman sa kanya at agad siyang niyakap.

"Ngayon lang." nakangiti ng sagot nito sa akin nang kumalas ako sa pagkakayakap dito.

Nagpatiuna na siyang maglakad papasok at kinuha ang medicine kit mula sa banyo.

Napahawak ako sa pisngi nang bigla naman itong kumirot. "Ang tindi naman ng babaeng iyon." Bulalas ko pa na ikinalingon naman sa akin ni Samantha.

"Sino? Siya ba ang may gawa sayo nito?" tanong pa niya habang nilalagyan niya ng ointment ang pasang natamo ko.

Tumango ako. "Oo, iyong anak ng kaibigan ni papa. Ako kasi ang nakamanman dito ngayon."

Napatangu-tango naman siya habang nilalagyan na niya ng band-aid ang munting gasgas sa gilid ng labi ko.

"Kung ganun astig pala siya. Biruin mo nagawa ka niyang bigyan ng pasa sa pinakainiingatan mong mukha." Natatawa pang saad niya habang naglalakad siya papunta sa banyo para ibalik ang medicine kit.

Tumabi siya sa akin at nakangiti pa rin ito. Iyon nga lang halatang napipilitan lang ito.

Hinawakan ko ang kamay niya't tiningnan siya ng seryoso. Bigla namang napalis ang ngiting iyon at malumanay na pinagmasdan niya ako.

"May sasabihin ka ba?" malamyos na tanong ko naman dito.

Yumuko siya at dahan-dahang hinila ang kamay nito mula sa pagkakahawak sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng pangangamba dahil minsan na rin niyang ginawa ang bagay na 'to dati.

Noong nagpaalam siya sa aking pupunta siya ng London para ipagpatuloy ang career niya sa pagmomodelo. Nasa America pa kami at doon pa ako nagtatrabaho.

Bumuntong-hininga muna siya bago nagsalita. "Babalik din agad ako ng London next month." Pag-uumpisa pa niya na hindi pa rin makatingin ng maayos sa akin. Pinaglalaruan lang nito ang mga daliri ng kamay niya.

Tahimik lamang ako dahil walang gustong lumabas na kataga mula sa bibig ko. Bakit pakiramdam ko ay may mabigat itong dinadala?

Lakas loob na tiningnan niya ako sa mga mata bago nagpatuloy. "And I don't think makakabalik pa ako dito..." Naramdaman ko ang parang biglang paghinto ng tibok ng puso ko.

Muli naman siyang yumuko. "Dahil... I'll be staying there for good." Patuloy pa niya at tiningnan ako sa mga mata na puno ng pagsasamo.

Bigla naman akong nakaramdam ng panlulumo at naging sunod-sunod rin ang paggalaw-galaw ng muscles sa mukha ko. Pilit na ini-internalized ang sinabi niya.

"Sinasabi mo ba sa akin ngayon na iiwanan mo ako dito?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Kinagat niya ang sariling labi at muling yumuko. "I'm sorry, Stiles." Saad pa niya na ikinatayo ko at pigil ang galit na tiningnan ito.

Hindi naman ako mapakaling nagpalakad-lakad sa harapan niya habang nakapameywang at hawak – hawak naman ng isa kong kamay ang noo ko.

Bakit pakiramdam ko may iba pang dahilan ang pakikipaghiwalay niya sa akin ngayon.

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon