Chapter twenty four

2.5K 42 8
                                    

Hindi ko na alam pa kung ano ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namimilipit na din sa sakit ang tyan ko. Gutom na 'ko. Pagod na pagod na 'ko. Wala din akong mahanap na lugar na pwedeng mapag-stay-an.

Lakad dito.. Iyak..

Lakad dun.. Iyak..

Yan ang paulit ulit lang na ginagawa ko.

Lahat ng madaanan kong mga bangketa na pwede sanang mapag-stay-an puno na lahat ng mga batang lansangan at pati na yung mga pamilyang lansangan na mahimbing na ang tulog.

Samantalang ako. Eto palakad lakad pa rin.

Urgh. Ano ng gagawin ko neto? Saan na 'ko pupunta? Kanino ako hihingi ng tulong neto?

"Miss may problema ka ba?" tanong ng isang lalaki.

Hindi ko sya sinagot bagkus binilisan ko na lang ang lakad ko at nag madali na 'kong umalis sa lugar na yun.

Kanina kase habang naglalakad ako may isang lalaki na lumapit sakin at nag alok sya sakin ng tulong na magsumbong sa mga pulis, pero sa isang makipot at mabahong eskinita nya 'ko dinala. Dun ay muntik na nya 'kong pagtangkaan ng masama. Buti na lang at nanlaban ako kahit na alam kong wala akong laban sa lalaking yun.

Ngayon hinding hindi na ako hihingi ng tulong kahit na kanino.

-

Sorry na maikli lang na-update ko! :P

Sorry din sa matagal na paghihintay! XD
04-21-15

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن