Chapter 27

1K 25 0
                                    

"So you only have 24hrs to fulfill your mission. At exactly 3 o'clock next day gusto ko makikita ko na nasa newspaper ang balitang patay na magaling ng secret agent ng si Timothy Nicole. Okay?"

Mga salitang paulit ulit na naririnig ko sa isip ko.

Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na siya ang taong nakasagupa ko ng gabing iyon.

Bakit ang tao pang natututunan ko ng mahalin?

God bakit siya pa? Nakakapan lambot isipin pero eto na ba talaga ang kabayaran sa lahat ng mga masasamang nagawa ko para mabuhay kami ng aking kapatid?

Eksaktong ala singco ng umaga inayos ko ng ang mga bagay na kailangan kong gamitin para ligpitin si Timothy.

Hindi ko na nagawang makabalik pa sa tulog ko sa kakaisip ng mga bagay na nangyari sakin simula nung mag krus ang landas naming dalawa ni Tim. Lahat ng bagay gumulo na.

Sumilip akong muli sa binta. Nandun pa din yung kotseng nakaparada simula kagabi.

Ibig sabihin hanggang ngayon binabantayan pa din ako ni Timothy.


Si Tim nga ba talaga ang nasa loob ng kotseng iyon? Tanong ko sa isipan ko.

Bakit sa dinami dami ng tao ikaw pa?


Gustuhin ko mang umiyak pero wala ng magagawa ang iyak ko at hindi na nito mababago ang mga nangyari.


Kinuha ko na ang bag ko nakapatong sa kama.

Labag man sa loob ko pilit ko pa ding inihanda na ang aking sarili.

Puno ng kaba kong tinungo ang pintuan ng likod ng bahay namin.

Nag simula na akong mag lakad, sa hindi kalayuan na aninag ko na ang motor na aking gagamitin para puntahan si Tim.

Nakaayos na ang lahat. Alam kong galing ang motor na ito kay Lady Ray.

Sigurado akong nag padala din siya ng mga ilang tao niya para sundan at matyagan ang aking mga kilos.


Kailangan kong mag doble ingat sa oras na ito. Hindi lang iisa o dalawa ang taong nag mamatyag sa tabi tabi.


Hindi pa din mawari sa isipan ko na minsan na lang ako mag tiwala muli sa isang tao pero bakit kailangang mauwi pa ang lahat sa ganito?


Buong kaba kong tinahak ang highway papunta sa lugar kung nasaan si Tim.

May halos isang oras din bago ako nakarating sa building kung nasaan ang condo nito.

Sa aking bulsa kinuha ko ang aking cellphone at idinayal ang number nito.

Wala pang ilang ring agad naman niya itong sinagot.

Nakapag tataka lang kase sa mga oras na ito bakit gising pa siya?

Mas lalo tuloy lumalaki ang hinala ko sa kanya.


"Hello?" ani ng nasa kabilang linya.



*TIM's POV*


"HELLO!"

"The number you have dialed is not in service at this time. Please try again later."

"Sup this is Harvey, improbably busy or sleeping right now just leave a message at-"


Shit! Harvey kung kelan kita kailangan kailangan answering machine pa sasagot sakin!

Pudpod na daliri ko kakatawag kay Harvey pero wala pa din nasagot sa kanyang cellphone.

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa loob ng kotse ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya muli kong pinanunuod at inaral ang mga kilos ni Sam sa laptop ko.


Kung sana'y nakapag lagay lang ako ng spy camera sa kanilang itaas na kwarto makikita kong lahat ng gusto kong malaman!

Shit!

Bakit sa misyong ito dito lang ata ako papalya?!


Muli kong tinignan ang mga numbers sa cellphone ko at nakita ko ang number ni Nick agad ko itong tinawagan.

"Bakit ang tagal niyong sagutin ang telepono ninyo?"

"Pasensya na Miss Tim inaayos ko kase ang files na ipinaayos niyo."

"I don't care leave it! Get your butt here as fast as you can. May kailangan akong ipabantay sayo."

"Roger that. I'll be there in no time."


Almost 45 mins din ang hinintay ko ng makarating si Nick dito.

"Sira ulo ka ang tagal mo ihing ihi na din ako!" inis kong sabi.

"Sorry po kase mag nag banggang barko sa daan kanina Miss Tim."

"Baliw ka ba? Kelan pa naging submarine yang kotse ko at sa dagat ka dumaan ganon?"

"Hehe. Joke lang po Miss Tim hindi ka na talaga mabirobiro."

"Ah joke ba yun? Hindi ko kase mahanap kung nasaan ang joke dun."

"Ang hard naman."

Hindi ko na lang siya sinagot baka kung ano pa ang magawa ko dito sa kanya. Agad kaming nag palit ng kotse.

Kailangan kong malaman kung gumagalaw na ba ang aming kalaban sa ngayon.

May iba akong nararamdamang masamang mangyayari ngayon sa araw na ito.

Natawagan ko na din ang iba tao na pwede kong utusan para sa susunod kong plano.

Eksaktong alas tres ng hapon sisiguraduhin kong tapos ko na ang plano ko.

At tatapusin ko na ang dapat tapusin sa misyong ito.


*SAM's POV*


"Hello?" ani ng nasa kabilang linya.

"Tim."

"Hey ikaw pala. Good morning." masaya niyang bati sakin. "Aga mo atang napatawag ngayon ah."

"Where exactly are you?" diretso ko ng tanong wala ng paligoy ligoy pa.

Please sana hindi ikaw ang tao sa kotseng iyon Tim.

May parte pa din sa isip ko na alam kong hindi talaga ikaw ang nandun.

"Uhm, in my apartment. May I ask why?"

"Can I come?"

"Sure. Anong oras mo gustong pumunta?"

"After this call." after kong sabihin yun agad ko ng binaba ang tawag.

Hindi ko na siya hinintay na makasagot pa.


Nag park na ako ng motor ko.

Hinintay ko lang na may lumabas sa exit para dun na ako dadaan papunta sa condo niya.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now