Chapter nineteen

3.2K 63 4
                                    

Pagkababa niya ng kanyang cellphone agad ng nagtungo si Tim sa parking lot kung saan tahimik lang at nakayukong naghihintay si Sam sa pag dating niya.

Habang papalapit siya ng papalapit sa pwesto kung nasaan si Sam, pabigat na din ng pabigat ang kanyang mga hakbang patungo rito.

“Hey let’s go?” aya niya ng makalapit na sa kotse at pilit na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

Tumango naman bilang sagot si Sam at pumasok na sila sa loob ng kotse.

“Saan mo gustong kumain ngayon?” pag uumpisa niya ng topic.

“Diba sabi mo kanina dadalhin mo ko sa Albivi something, ano nga ba ulit yun?” nakakunot noo’ng tanung nito.

“Ah oo nga pala nakalimutan ko sorry dami ko kasing iniisip sa ngayon eh, never mind. Albivi Brick Oven, dun kita dadalhin Italian Restaurant yun masarap ang pag kain nila dun lalo na yung pizza nila at pati na din yung pasta nila.”

"Really? I love Pasta! Teka wait kung next time na lang kaya tayo umalis? Baka kasi pagod ka or what?"

“Yup! I know you do love pasta! No okay lang ako.”

Natigilan sandal si Sam sa sinabi ni Tim.

‘Wait how did she know that I loved pasta? Did I mention it before?’ natanung niya sa sarili niya.

“And here we go, nandito na tayo.” nakangiting sabi nito..

“Hey? Ayaw mo pa bang bumaba? May problema ba?” tanong ni Tim habang nasa labas na siya at pinagbuksan niya ng pintuan ng kotse si Sam.

Umiling na lang ito at hindi na nagsalita.

Nung bumaba na siya ng kotse hinawakan siya ni Tim sa kanang kamay niya papasok sa restaurant. Hindi pa man din sila nakakatapak sa pintuan nun ng sandaling napatigil sa paglalakad si Sam nang makita niya ang suot ng kasabayan nilang mag-asawa. Elegante ang suot ng mga ito, hindi basta basta at talagang kumikinang maige dahil sa suot nilang mga alahas sa katawan. Takang napatingin naman si Tim sa kanya para bang nag hihintay lang ito ng sasabihin niya.

“S–sigurado kabang di–dito mo ko dadalhin?”

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now