Chapter twenty five

1.5K 31 1
                                    

Napaupo na lang ako sa loob ng isang lumabg sidecar na nakaparada malampit sa isang madilim na bakanteng lote. Dito ako dinala ng mga sarili kong paa.

Hindi ko na alam kung may lalabas pang mga luha sa aking mga mata. Maging ang aking lalamunan tuyot na din.

Hindi ko lubos naisip na magiging ganito lamang pala ang dadatnan kong kalagayan sa syudad. Kung alam ko lang.

Pagod, gutom, at takot ang aking naramdaman ng mga sandaling iyon. Namimilipit na din ang aking tyan sa sakit. Kahapon pa ang huli kong kain.

Tanging ang tunog na lang ng mga munting kuliglig ang aking naririnig at may ilang mga busina ng sasakyan sa kalayuan ang nag papaingay sa 'di kalayuan.

Hanggang sa mga umilang sandali pa ang lumipas, may bumasag ng katahimikang ito.

"Aaaahhh... Wag........" sigaw na nag mula sa isang babae.

Napabatikwas ako ng tayo mula sa kinauupuan ko. Muli ako'y nakaramdam ng takot. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa babae at ito'y sumisigaw.

"Maawa ka sakin..." muli pa nitong sigaw.

Nag palinga linga ako sa aking paligid. Hindi ko maiwasang bumilis ang kabog ng aking dibdib. Ako'y muling nakaramdam ng kaba. Alam kong hindi ako ligtas kung nasaan man ako mgaun.

"Huwag pakiusap... Huwag!" pag mamakaawa nitong sigaw.

Walang ano-ano'y naisipan kong nahanpin kung saan ba nag mula ang mga sigaw na iyo.

Nuli nakarinig ako ng isang malakas na kalampag sa di kalayuan.

Sa aking kaliwa, nakakita ako ng kahoy at ito'y aking pinulot. Hinawakan ko ito ng mahigpit.

Sa pangalawang pagkakataon muli aking narinig na naman ang mga ingay at sigaw ng babae na nagmamakaawa. Hindi ko sigurado pero pakiramdam ko nasa panganib ito.

Sa isang abandonadong bahay mag mula ang mga sigaw ng babae. Ako'y maingat lumapit at sumilip sa bintana nito. Tanging liwanag lang ng bilog na buwan ang nagsisilbing liwanag dito tama lang upang makita ko ang kaganapan sa loob ng naturang lugar.

Nuo'y nagulat ako sa aking nakita. Merong isnag duguang babae ang nasa isang sulok at gula-gulanit na ang damit nito. Sa kanyang harapan ay may isang armadong lalaki na handa na syang patayin ano mang sigundo.

"Huwag.. Maawa ka sakin.. Huwag mo akong papatayin!" pag mamakaawa nitong sabi habang nakahulod sa barapan nung lalaki.

Kinakabahan man ako pero nakita ko na lamang ang aking sarili na unti unting lumalapit ako kung nasaan sila.

"Punyeta kang babae ka! Papatayin kita! Mamamatay ka sa mga kamay ko! Hayop ka!"  matigas na sigaw ng lalaki habang kanyang ikinakasa ang hawak nyang baril na nakatutok na sa ulo ng babaeng nag mamakaawa.

"Huwaaaag--" putol na sabi nung babae.

BAAAAAANG~

Pero bago pa man nya naiputok ang baril na iyon, naihampas ko na sa batok ng lalaki ang hawak kong kahoy.

Gulat na nakatingin sakin ang babae. Naaaninag ko sa mukha nya iyon kahit madilin ang palidig.

Dali-daling tumayo ang babae at kinuha ang baril saka nya ipinutok ito sa ulo ng lalaki. Pinatay nya ang lalaki.

Nabitiwan ko ang hawak kong kahoy at napatulala na lang sa aking nasaksihan. Hindi ko lubos na inaasahan na ito'y kanyang magagawa.

Tumakbo papalapit saakin ang babae at hinawakan nya ako sa braso,  hawak pa din nito ang baril na ginamit pang patay sa lalaki.

"Bilis! Kailangan natin umalis dito bago pa may makakita satin." saad nito.

Hanggang ngaun hindi pa din ako makapaniwala sa nangyari saakin ngaun araw na ito.

Hindi ko na alam ang mangyayari pa saakin.

Sa hindi kalayuan lugar din lang ay may isang van sa kanya ang nag hihintay at duo'y kami sumakay.....

:D
07-25-16

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now