Chapter twenty

2.7K 64 0
                                    

*Sam’s pov*

Netong mga nakalipas na araw, napapadalas na lagi kong kasama si Tim. Lagi kasi niya akong hatid sundo, ginagawa niya lagi ‘yon kahit na lagi lagi ko din siyang sinasabihan na wag na niyang gawin yung bagay na yun kasi hindi naman talaga kailangan. Pero ang tigas pa rin ng ulo niya ginagawa pa rin niya. Kaya hinayaan ko na lang din.

Then kung minsan naman sa day off ko lagi kaming lumalabas. Date kumbaga.

Masaya akong kasama si Tim. Masaya akong bigla na lang dumating si Tim sa buhay ko.

Bakit parang bigla na lang siyang dumating? At bakit naging ganun na lang din kabilis ang lahat lahat?

Pero wait.. Teka.. Parang may mali?

May mali eh!

Meron talagang mali eh! Shit! Sana hindi mali ang hinala ko!

--

Pauwi na kami ngayon, hinatid niya ako sa apartment ko. Bago ako bumaba nagpasalamat muna ako sa kanya at kulitan pa kami saglit..

“Okay. Good night….. and keep safe.” mga huling salita na sinabi sakin ni Tim bago ako bumaba ng kotse niya. Napatigil ako at hindi makakibo nung una. Para akong nabuhusan ng isang timbang naglalaman ng yelo. Ewan pero ganun yung feeling ko ng sinabi niya yun eh.

Anong gusto niyang iparating sa sinabi niyang ‘Keep safe?’

Meron pa ba kayang ibang kahulugan iyon? Oh sadyang ako lang itong napakaraming at kung ano ano na lang ang talaga ang pumapasok sa isip ko?

Tsk mas lalo tuloy akong napapaisip sa mga nangyayari ngayon eh! Ano ba to? Bat ganito? Haaayy.

Napatango na lang ako ng may pag aalinlangan sa sinabi niyang ‘yon. Binaliwala ko na lang ito at lumabas na ko ng kotse niya.

Pagka-pasok na pagka-pasok ko pa lang sa loob ng apartment ko agad na kong nahiga sa sofa sa pagod na din sa ginawa naming buong maghapon. Hindi ko na napigilan na naidlip ako.

Nalimpungatan na lang ako nung tumunog ang cellphone ko sa bulsa ko.

Iminulat ko ang aking mata, agad kong tinignan muna kung anong oras na dun sa nakasabit na wall clock sa harapan ko. Pasado alas-onse na pala ng hating gabi.

Tapos tinignan ko na ang caller ID nung natawag sakin. Nagulat ako! Shit si Lady Ray ang natawag! F*ck ano na naman kaya ang kailangan niya sakin ngayon?! Sigurado akong may-iuutos na naman ito. Kung ano man yun, para akong kinakabahan sa mangyayari. Hindi kaya may alam na siya?

Kahit na ayoko mang sagutin ang tawag niya kailangan ko pa rin.

“Hello?”

“What’s up, Killer Bee?”

“H–ha?”

“Nabalikan mo na ba ulit ang pinakukuha ko sayo?”

Napalunok ako nung maalala ko ulit yung pinakukuha niya sakin. Yung mga papel na para sa kaso daw nila. Hindi ko lang naman lubos na maintindihan kung para saan yun pero ang alam ko kapag hindi ko nakuha ang bagay na yun, tiyak kaparusahan ang hatol sakin.

“Ah, h–hindi pa. Kailangan ko pang magpalipas pa ng ilang araw o linggo pa. Delikado pa kung ngayon ako muling babalik dun at tiyak na lahat sila ay naalerto sa nangyari kaya–“

“Then kung ganun lang din naman pala, iibahin ko na lang ang misyong iaatas ko sayo. Iba na lang ang gagawa ng trabahong hindi mo natapos.” sabi niya, hindi ko mabakas sa boses niya kung galit ba siya o ano.

“H–ha? Eh a–anong gagawin ko ngayon? Anong trabaho ‘yon?”

Humalakhak siya bago niya sabihin yung bagong trabaho na sinasabi niya na gagawin ko. Shit kinakabahan ako ngayon.

“Ipapadala ko ang lahat ng mga detalye na kailangan mong malaman sa email mo. And I need a positive result within 48 hours Killer Bee.”

“Okay.”

“Good! Mamayang alas-tres y media, ise-send ko sayo ang sinasabi ko. Just be ready, okay?”

“C–copy that.”

“Good!” iyon lang at pinatay na niya ang tawag.

Anong klasing panibagong mission/trabaho na naman kaya ang ibibigay niya ngayon?

Ngayon lang nangyari ang ganito na pinaltan niya ng ibang mission ang ibinigay niya sakin.

Oh God! Heto na naman! Ano na naman kaya iyon? Aaaah! Matagal pa bago ako makalaya sa kanila! Matagal pa din bago ako makaipon ng puhunan para sa bagong simula ng aming buhay ng kapatid ko!

Tsk. Hindi ko na kaya! Pero hindi ako susuko sa ngayon! Sa oras na matapos ko ang missiong ito na ibinigay niya, sisiguraduhin kong ito na ang huli kong mission na gagawin ko sa buong buhay ko!

Nanlalambot akong umakyat sa itaas ng kwarto, pero kailangan ko…

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now