Chapter fourteen

4.1K 75 2
                                    

“Come in.”

Napalunok muna si Sam bago ito pumasok sa loob. Mas muli pang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib, mas doble pa ngaun kesa sa kanina nung makita nya kung sino ang taong nandun.

Nakatayo ito at nakatalikod nun at bigla syang humarap nung pumasok na si Sam sa loob.

“Hi!” masigla nitong bati at abot tengang ngumiti ito sa kanya.

Napanga-nga naman si Sam nung makita nya na si Tim pala iyon.

“Ah ka-kayo po pala yan ma’am.”

“I told yah, wag mo na kong pino-po at mina-ma’am. Tim na nga lang diba?” at ito’y ngumiti ng pagkatamis tamis na ngiti kung kaya mas lalo pang bumilis ang kabog ng dibdib ni Sam.

“O-okay.” Eto na lang ang tangi nyang nasambit.

‘Shit! Bakit ang hot?! Ang hot nyang tignan kahit na sa simpleng damit nyang suot lang! Naka black na V neck sya na fitted sa kanyang katawan at talagang makikita mo yung hubog ng kanyang katawan! Tapos naka jeans tapos naka vans syang kulay itim din. Ang porma nyang magdala ng damit. Bagay na bagay sa kanya kahit simple lang.’

Natauhan na lang sya sa kanyang naiisip ng unti unti ng lumapit sa kanya si Tim.

“Oh bat ka naman naka nga-nga jan? Ikom- ikom mo yan baka may tumulo jan, sayang naman maganda ka pa naman tapos ganun na lang.”

Nahiya si Sam kung kaya napaiwas ito ng tingin kay Tim.

“Sorry nga pala if kung ikaw pa ang naabala kong mag serve saakin. Bukod kasi sa gusto kong ikaw ang gumawa nun eh gusto din kasi kitang makita.”

Hindi nya inaasahang ganun ang sasabihin nito kung kaya nagulat sya. At seryoso pa itong nakatingin sa kanya.

“G-ganun ba? Ah sige ano.. ano ba ung o-orderin mo?” pag-iiba nito ng topic.

Sinabi na ni Tim ang kanyang order, medyo nanginginig naman si Sam habang nagsusulat ng order nito.

Nahalata naman iyon ni Tim kaya sya natatawa.

“Ah sige, dadalhin ko lang ung order mo dun. Wala ka na bang iba pang iuutos?”

“Sure. Ahm wala pa naman sa ngaun.” Sabay wink nit okay Sam.

‘So meaning may balak pa talaga tong utos-utusan ako ganun?! Hmp! Nako kailangan ko nang makalayo muna ditto nahihirapan akong huminga kapag malapit ako sa kanya.’

At nagmadali na nga syang lumabas non, malalaki din ang ginawa nyang mga hakbang para lang makalabas na.

‘Bakit kasi ganto na lang ang kaba ko kapag nakikita ko sya? Baka naman kaya……? Hala natotomboy na din ata ako?! Nako! Kung ano ano na tong naiisip ko eh! Iba kasi eh..! ang gulo.’

Ilang minuto lang ay bumalik na si Sam dala ang mga order sa VIP room kung nasaan si Tim.

Muli na naman itong nakaramdam ng kaba.

“Thank you.” Sabi ni Tim ng mai-serve ng lahat ni Sam ang order nya.

“No problem. May iuutos ka pa ba?”

Napaisip si Tim kung ano pa ang pwede nyang maipagawa dito.

“Sya nga pala, hindi mo ba ako pwedeng saluhan dito habang nakain? Saka mas masarap kaya kung may kasamang kumain habang may kausap diba? So baka pwede naman un?” nakangiti nitong tanung.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon