Chapter two

10.1K 136 11
                                    

“HULI KA!” akma na syang yayakap sa likod nung babae pero naramdaman pala sya nito at pagharap ng babae ay sinalubong sya nito ng isang tadyak sa sikmura.

“OUCH!” sabay hawak sa sikmura nya at napasandal sa dingding.

Sinamantala naman iyon ng babae na tumakbo palabas sa nakabukas na pintuan ng terrace. Hindi naman papaya si Timothy sa maisahan sya ng babaing ito. Agad nyang itong hinabol kung saan pumunta. Kahit na masakit pa din ang kanyang sikmura na tinadyakan nung babae kanina ay hindi nya un ininda.

Ung ginamit na tali nya kanina ay un ung ginamit nung babae para makababa ng building na un. Tatakbo na sana ang babae ng mahuli nya  ito. Niyakap nya ito sa likod at pareho sila nun na natumba at bumagsak sa lapag. Nakadagan sya sa babae na nakadapa naman sa lapag.


Alam ni Timothy na malakas sya dahil na din sa mga training na kanyang pinagdaanan. Pero nararamdaman nya na bihasa din sa pakikipaglaban ang babae.


Inupuan nya ang likod nito at pinilipit ang dalawa nitong kamay nito patalikod.

“Sige nga tignan natin kung makawala ka pa!” sarkastiko nyang sabi habang nakangiti.

Pagkasbi nya nun ay may kung anong tumama na matgas n bagay sa may batok nya. Nasubsob sya sa may unahan at nabitawan nya ang babae.

“Ouch, nakakailan kana ha!” sabi nya habang tumatayo at nakahawak sa kanyang batok, na medyo mahilo-hilo pa.


Pagkaharap nya sa babae ay agad na muli tong susugod sa kanya at dahilan kung bakit napaupo ulit sya. Pero mabilis naman ulit syang nakatayo at susugod na din.

Nakaporma na ulit ang babae na pang karate. Saka nya lang na realize na paa pala nung babae ung ginamit nito kanina na pangtadyak sa kanyang batok. Haha lastik man ang peg!


Dahil sa sakit na naramdaman at gusto na din nyang makaganti ay sumugod na agad etong si Timothy. Pero sinasalag lang nung babae gamit ung braso nya ung mga binibitawan nyang sumtok.


Nang makahanap naman ng pagkakataon ung babae ay na-uppercut nya si Timothy na nagging dahilan na naman kung bakit sya natumba.


‘Talagang inuubos ng babaeng to ang aking pasensya ha!’


Isa pang suntok dapat ang makukuha nya sa babae pero buti at nailagan nya ito. Muli na namang umatake ang babae at nasangga naman nya un pero hindi nya inaasahang na gagamitin nito ang paa para manadyak at manipang na naman. Hindi na nya ito nagawa pang mailagan kaya lahat ng binitawan ng babae na tira ay sinalo nyang lahat.


‘Dammit! Mahusay ang babaing to sa kick boxing!’


Walang katapusang suntok sipa ang naging palitan nila sa isa’t isa. Paulit ulit lang naman pero walang ngyayari kasi pareho din naman nilang naiiwasan.


Nagbago ng strategy si Timothy. Nilito nya ang laban hanggang pinabayaan nya lang na masuntok sya ng babae para mapatid nya ito. Tapos napahiga namang natumba ang babae at pagkakataon na nya yun para naman makaganti na sya sa sakit ng katawan na ginawa nung babae sa kanya.


Dinaganan nya ang babae at mabilis nyang tinanggal ang bonnet na suot nito at akma na nyang bibigyan ng isang malakas at full force na sumtok ang babae.

“Huwag!” sabay harang ng dalawang kamay sa mukha nya.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now