Chapter twenty two

2.6K 62 8
                                    

*Sam’s pov*

*Flash back*

Simple lang ang buhay namin noon. Masaya na kami kung makakakain kami ng 1 o 2 bes sa isang araw. Napag-kakasya lang namin sa buong maghapon ung perang kinikita ni Inay sa pag lalabada nya na hindi din naman gaanong kalakihan..

Bata pa lang ako ng iwanan na kami ng walang kwenta kong Ama at sumama na sa ibang babae na mas mayaman. Mabuti na rin yun kesa yung sa umuwi lang siya rito sa bahay ng lasing at kapag hihingi lang sya ng pera kay Inay, pagkatapos pag walang maibigay si Inay dito bubugbugin lang nya ito, ginagawa nya kaming punching bag.

Wala akong magawa kundi umiyak na lang ng mga panahong iyon, awang awa ako kay Inay.

--

Araw ng byernes ngayon, maaga akong gumising at nag ayos na ng sarili para pumasok dun sa trabahong pinasukan ko. At ito rin ang araw na makukuha ko na ang aking sweldo, excited na akong umuwi saamin at maiabot na ito agad kay Inay.

Gusto ko silang ipasyal man lang kahit na minsan lang sa parke o mabilhan na lang ng masarap na pagkain.

Ala-sais y media ng hapon nasa trabaho pa ako ng makatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko. Hindi naman ito tatawag sakin ng ganun oras dahil alam naman nito kung gano kahigpit ang patakaran ng pinapasukan ko.

Sumimple akong lumabas para sagutin iyon.

‘Thea diba sabi ko naman sayo na bawal ang-‘

‘Ate alam ko, pero ate si Inay kasi-’

Hindi ko na narinig pa ang mga sinabi nya kasi naputol na kaagad ang linya. Nag-alala akong maige kung ano na nangyari kay Inay..

Nang makuha ko ang sweldo ko agad akong bumili ng gamot ni Inay sa butika. At dahil sa dami ng gamot na kailangan ni Inay halos wala na ding natira sa pera ko. Dun lang lahat naubos.

Palabas na ko ng butika ng makatanggap ako ng txt mula kay Thea.

‘Ate asan ka na? Ate bilisan mo na..’

At dahil nga sa naubos at wala na akong pera, wala akong pambayad sa jeep kaya wala akong ibang magawa kundi ang maglakad pauwi. Wala naman akong ibang mahingan ng tulong o mautangan man lang.

Lakad.. Takbo.. Lakad at takbo na ang ginawa ko. Hindi ko na ininda pa na pagod ako at gutom ng mga oras na ito.

Halos dalawang oras na kong naglalakad pauwi. Ni-hindi ko na naisip pang magpahinga man lang kahit saglit. Wala akong sinayang na oras..

Pagkarating ko agad kong tinakbo ang maliit na silid ng aking Ina. Kailangan na nyang mainom ang gamot na dala ko.

“Ate bakit ngayon ka lang?” paiyak na tanong ni Thea ng madatnan ko sya.

Halos hindi ko na napansin pa ang tinatanong niya kasi natuon ang aking atensyon sa isang bagay na nakalatag sa papag namin at natatakpan ito ng sira-sira naming kumot.

“B-bakit?”

“P-patay na siya ate. H-hindi na nya nahintay pa ung gamot.” umiiyak na tumakbo si Thea papalapit saakin at yumakap ito.

“BAKIT? Bakit ganun? Hindeee… Inaaaaaaaay…” Malakas na nasambit ko at kasabay nun ang pagtulo ng aking mga luha.

Sumaklolo naman ang mga kapitbahay namin pero hanggang dun na lang iyon, hindi na muli pang maibabalik ang buhay ng aking ina…

Hindi ko alam kung saan ako kukuha nun ng perang pampalibing at pambayad sa pulinarya. At ang hudas ko naman Ama ay hindi man lang nagpakita nung burol ni Inay.

Araw ng linggo, ito ang hinding hindi ko malilimutang araw. Matapos na mailibing ang aking Ina ay umuwi na kami ng kapatid ko sa sira-sira at maliit na barung-barong na bahay namin. Pero wala na rin pala kaming uuwiang magkapatid.

Nagulat na lang ako ng makita ko ang mga gamit namin na nakakalat na sa labas.

“Oh buti at dumating na kayong magkapatid. Pulutin at hakutin na ninyo yang mga damit at bulok bulok nyong gamit! Nako! Wala man lang makuha at mapapakinabangan jan! Para naman sana makaawas kayo sa malaking utang ninyo sa renta ng bahay ko!”

“Aling Ted naman. Papaalisin nyo ho talaga kami?”

“Oo naman! Jusmeyo! Tinatanong pa ba iyan hindi ba masyadong halata?! Eh mahigit isang taon na din kayong hindi nakakabayad dito sa upa ninyo simula ng ma-stroke at hindi na makalabada yang nanay nyo! Aba kailangan ko rin naman ng pera may mga anak din akong binubuhay, hindi libre ang pagtira dito sa paupahan ko! Kahaba haba na nga ng palugid na binigay ko sainyo eh!”

“Aling Ted naman, kahit ho ilang araw lang naman ang hinihingi ko, hayaan nyo lang muna kami dito matulog sa bahay nyo. Pangako ho gagawa ako ng pa-“

“Ah hindi! Ayoko. Malaki na rin ang naitulong ko sa inyong pamilya. Malalaki na kayo! Kaya nyo ng alagaan sarili nyo. Mabubuhay na kayo sa sarili nyo. Tsaka ikaw Samantha 17 ka na at tapos ka na ng high school, at alam kong nagtatrabaho ka na. Kaya nyo ng mabuhay. Ano tsaka mamaya dadating na ung bagong boarders ko na uupa jan! Kaya hala sige hakutin nyo na yang lahat ng basurang nakakalat na gamit nyo jan.”

Wala akong lakas sa ngaun na makipag sagutan kaya ling Ted sa sobrang pagod na ng katawan ko. Wala na kong nagawa kundi pulutin ang gamit naming nakasabog sa labas. Habang pinupulot ko ito tila ba wala ng luhang gustong lumabas sa mga mata ko. Parang natuyo na ang mga ito..

“Ay sya nga pala kinuha ko na ung bulok nyong TV at electricfan ha! Kung tutuusin nga kulang pa un sa mga utang nyo eh. Pero ano na nga lang ba magagawa ko? Bayaran mo na lang ako sa kulang nyo pa kapag nagkatrabaho ka ha! Wala ng libre libre sa panahon ngaun. Tandaan mo ha?”

Daig ko pa ang nabagsakan ng langit at lupa sa mga narinig ko.. Ano ng gagawin ko ngaun? Pano na kami ng kapatid ko neto ngaun? Buti sana kung ako lang mag-isa siguro kakayanin ko pa, kaso ang kapatid ko?

Isinusumpa ko. Ngaun na lang at ito na ang huling beses na mararanasan namin ng kapatid ko ang ganitong kahirapang at kaapihanang ito! Gagawa ako ng paraan para maiahon ko sa hirap ang buhay naming dalawa. Itong galit at puot na naramdaman ko ay hinding hindi ko malilimutan buong buhay ko…

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now