Chapter seven

6.3K 97 1
                                    

“Then prove it to me now!” utos nyang sabi..

Tinawanan lang ito ng nakakalokong tawa ni Tim at tinanggal nya ang kamay nito sa kwelyo ng damit nya.

“Kung naiinggit ka sa mga kasama mong.... alam mo na kung ano ung ibig kong sabihin well wala akong magagawa. Hindi mo sila dapat na kainggitan sa bagay na yon Abby. Kaya please tumabi kana jan, para makapagbihis na ko at aalis tayo.”

Hindi nakakibo si Abby sa sinabing iyon ni Tim. Kung kaya’t mainit ang ulo ngaun ni Abby.

Matapos makapag ayos si Tim, lumabas na sya ng banyo. At nakita lang nya na nakaupo lang sa kama si Abby at nakatingin sa kawalan. Kaya nilapitan nya ito at inakbayan.

“Oh haba haba na naman ng nguso mo jan? Hindi bagay sayo! To talaga. Halika na nga gutom na ko talaga."

Sapilitan pang hinila ni Tim si Abby pababa ng condo nya.

Mga around 6 nakarating na din sila sa restaurant. hindi pa din kinikibo ni Abby si Tim. Naglakad na sila papunta sa loob.

"Good Evening mam." Masaya at magiliw na bati ng guard sa kanila.

Nginitian naman iyon ni Tim at binati din samantalang inirapan lang iyon ni Abby.

Bawat madaanan din nilang waiter/waitress ay bumabati din sa kanila, todo ang ngiti naman netong si Tim na akala mong artista ang dating. Ngunit may isang tao ang pumukaw ng pansin ni Tim. Natulala sya ng makita nya ung isang waitress dun. Tinitigan nya yung maige. Sa isip nya parang nakita na nya ito somewhere. Hanggang pinutol naman iyon ni Abby, kinurot nya ung tagiliran ni Tim.

"Araaaaay naman eee! Hindi talaga lilipas ang isang araw ng hindi mo ko sinasaktan physically emotionally mentally..." pag iinarte ni Tim.

tinaasan lang sya ng kilay nito..

---

"Sammy! Halika dali!!! Tignan mo oh nandito ung sikat na model sa isang magasin na nakita ko last day! Ung pinapakita ko sayo!! Ung wallpaper ng cellphone ko!!"

'Laki talaga ng topak netong babaeng to! Nasa kusina kasi ako inaaus ko ung order nung isa namin costumer, tapos hilahin ba daw kasi ako para lang ituro sakin ung model daw na to! Eh anu naman mapapala ko dito? Buti ba kung ikayayaman ko ang pag tingin sa kanya eh! Nako! Tapos aun napaka suplada naman! Hindi namamansin at nangiirap pa! Pero napa-wow din ako. Maganda nga sya, matangkad maputi normal lang naman para sa isang model. Buh! Pero alam kong mas maganda ako jan! Haha!'

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon