Chapter eighteen

3.6K 74 3
                                    

Pagkarating na pagkarating pa lang nila sa loob ng opisina agad na nagreport si Tim pagkaupong pagka upo pa lang niya. Ni-hindi pa nakakaupo si Harvey sa kanayang swivel chair ay para na siyang niraratrat ni Tim sa kanyang mga sinasabi.

“Wait! Teka nga Timothy! May iba ka pa bang pupuntahan pag katapos nito at masyado ka naman atang nagmamadali? Well cancel it kung meron man.” Matigas n autos ni Harvey

“Hmm wala naman, ayoko lang naman sanang mag tagal dito kasama ka at baka kasi mas lalo kang mainlove sakin. Haha!” nung nakita niyang nag bago na ang expression ng mukha ni Harvey at naniningkit na ang mga mata nito ay natigil na siya.

Naupo na si Harvey sa kanyang swivel chair at hawak na niya ang ilang papel na binigay sa kanya kanina ni Sara ngayon ngayon lang. Nadalhan na din sila ni Glenn ng pagkain. Habang binubuksan at inaayo iyon ni Tim ay nagsasalita na siya about sa report niya.

“Actually, tatlo yung babaeng pinahihinalaan ko’t minaman-manan ko sa ngayon, then yung dalawa pinaubaya’t pinababantayan ko na muna sa mga julalays ko. Hep hep hep! Sshh!” pigil na sabi ni Tim habang akmang mangbubulway na naman si Harvey. Sa itsura kasi nito para bang gusto na niyang bumuga ng apoy sa harapan ni Tim. Sa pagkagulat na din nung sabihin ni Tim na ipinahawak niya yung dalawang babae sa kanyang julalays. “Wag ka na muna nga magre-react! Don’t worry alam naman na nila kung ano ang kanilang gagawin dun sa binigay ko sa kanila at–“

Napasabunot naman si Harvey sa sarili niyang buhok habang sinasabi niya “HMMMM! Anak ng pating naman Timothy ikaw ang may hawak ng mission na yun eh at bakit sa mga jula–“ reklamo ni Harvey habang padabog niyang itinapon ang mga papel niyang hawak sa table niya na inabot ko sa kanya kanina.

Hindi na pinatapos pa ni Tim ang gusto sanang sabihin ni Harvey. “Hep! Kasasabi ko lang na wag kang mag react na muna! Atsaka hindi ako anak ng pating! Pwede bang patapusin mo na muna akong mag paliwanag dito kesa yung dumada ka ng dumada dyan at kukwestiyonin ako ng kukwestiyonin sa ginagawa ko ha?!”

“Aba sino ba ang boss dito?” taas kilay na tanung ni Harvey.

“Alam kong alam mo din naman na ikaw yun Harvey eh! Pero sino bang ang nagrereport dito? Diba ako?” sarkastikong sagot nito.

Napahilamos ni Harvey ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha at hindi siya muli pang sumagot nun at hinayaang na lang niyang mag paliwanag na si Tim sa mga nakalap nitong impormasyon. Alam naman niya na kaya iyon ni Tim. At napaka laki din naman ng tiwala niyang hindi ito papalpak sa mission niya.

“So ayun na nga, yung dalawang yun ano…” saka siya nag pause

“Oh ano na?” nakanga-ngang ulit nito sa sinabi ni Tim

“Ano ahm..”

“Ano nga?! Nak ng teteng naman oh! Sabihin mo na nga ng diretso!” pasigaw ngunit kalmadong sabi nito

“Ano eh haha.. teka muna..” sabay tingin ni Tim sa ulam ni Harvey na nakapatong sa lamesa nito. “Kakainin mo ba yang chicken legs mo? Akin na lang. Gutom ako eh haha! Saka para din naman ganahan akong mag report sayo, at dire-diretso kong masabi lahat sayo!” sabi nito sabay kindat kay Harvey.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Onde histórias criam vida. Descubra agora