Chapter eleven

4.9K 86 0
                                    

“Hoy bata! Ika’y bumangon na jan at nakahanda na ang almusal sa kusina kanina pa! At ung kape mo dun nagyeyelo na!” sabay hila ng kumot kay Tim na nuoy nakahiga pa sa kama nya. Kanina pa nya kasi ito tinatawag upang kumain na kaso nakahilata pa din ito.

“Harvey tigilan mo ko masakit ang katawan ko at ulo ko..”

“Ayan inom inom ka pa kasi di naman pala kaya! Porket libre lang ang red wine dun kagabi eh sinamantala mo naman! Kumain kana dun oy! At mag-uusap tayong dalawa! Sumunod kana ha kung ayaw mong kaladkarin pa kita palabas ng kwarto. Saka maghanap ka na lang ng kasyang damit sayo jan sa cabinet ko.”

Sumunod naman na ito kahit na medyo labag pa sa kalooban nya at inaantok pa. Tinignan nya kung anong oras na sa cellphone nya at nakita nyang 6 pa lang ng umaga, nag punta kasi sya sa condo ni Harvey nung mga bandang alas dos na ng madaling araw, dumiretso kasi sya dito nung pagkagaling nya sa condo ni Abby.

‘Shit! Alas sais pa lang ng umaga kung makagising si Harvey wagas eh! Yari sakin to mamaya! Shit!’

Bumangon na sya at nag tungo na sa banyo upang mag shower, suot pa din nya kasi hanggang ngaun ung dress na ginamit nya kahapon. Pagkatapos nyang mag shower nun pumunta na sya sa cabinet ni Harvey at naghalungkat ng damit na pwede nyang maisuot at nag bihis na.

Lumabas na sya ng kwarto at nakita nyang nasa kusina si Harvey. Sinamantala nya iyon habang nakatalikod ito, dahan dahan nya itong nilapitan at hinila nya ito sa patilya at pinagsasasabunutan.

“Araaaaaay.............! Anak ng.........! Masakeeeeeeeeeeeet......... Timothy aaaah... ano ba?”

“Gago ka eh! Alas sais pa lang pala tapos kung makagising ka kala mong alas onse na ng tanghali! Bwiset ka talaga!”

Muli nya pa itong sinabunutan ulit. At nung nag-sawa na kakasabunot ito’y binitawan na din nya.

“So kelangang nananakit ka ng ganyan? Sadista!” sabi nito habang hawak hawak nya ang kanyang ulo. “Kumain kana! At inumin mo na yang kape jan!”

“Ayoko baka may lason yan!” natatawang sabi nito.

“Ulul! Matagal ko ng gustong gawin sayo yan kaso kelangan pa kita kaya hindi pa muna sa ngaun!”

Binato sya ni Tim ng tinapay, at nag-umpisa na itong. Habang nakain nag-uusap sila nito.

“Nag away na naman siguro kayo no? Ano pa nga ba? Ano na naman ba nangyari sa inyong dalawa ha at bakit ka naglasing ng todo? Tapos ang lakas pa ng loob mong mag drive ng lasing? Tindi mo din bata ah!” sunod sunod nitong tanong habang nahigop ng kape.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon