Chapter sixteen

4.3K 78 4
                                    

Labasan na ng mga waiter/waitress ng gabing iyon. Nang matigilan sa pag lalakad sina Sam at Lisa ng may puting  kotse na tumigil sa harapan nila.

‘So hindi ito ung itim at pulang kotse na lagi ko na lang nakikitang sumusunod sakin?! Malamang. Haaaay Sammy ano na bang nangyayari sayo sa twing kaharap mo ang babaeng to nawawala ka na sa sarili mo!’ bulong na inaaway nya ang kanyang sarili.

At least kahit papano nakahinga ng maluwag si Sam sa iniisip yang iyon.

“Hoy Sammy! Hindi mo naman sinabi sakin na may boyfriend ka na pala ng nag hahatid sundo sayo! Grabe ka kaibigan pa man din kita pinag lilihiman mo na ko!” pag da-dramang sabi ni Lisa dito.

“Tamang hinala ka na naman jan! Tumigil ka nga jan. Bunganga mo walang tigil kanina ka pa kutata ng kutata sa loob hanggang dito ba naman? Saka wala akong boyfriend!”

“Kunyari ka pa eh hmp! Sige sarilinin mo lang yan ha! Wag kang mag share! Ano pang use nung kasabihang ‘share your blessing?’” inirapan at naka pout ng wika ni Lisa kay Sam.

“Sabi ngang wala eh. At ano naman ba ang blessing doon ha?”

“Eh ano yang puting kotse na yan sa harapan natin?” taas kilay nitong tanong.

Nang ibaling naman ni Lisa ang paningin nya sa kung sino ang taong bumaba sa kotse’ng yun ay nanlaki ang mga mata nito sa nakita.

“Si-si ma’am.. ano yan ha?! totoo ba ang nakikita ko Samantha Copon? Pa-paki-explain nga saakin? Ikaw?? Sya?? Ano ‘to?” nauutal at di makapaniwala nitong tanung kay Sam.

“Hop in.” nakangiti at magalang na sabi nito sa dalawa ng matapos nyang buksan ang pintuan ng kotse.

Nag katinginan muna sila tipong nag papakiramdaman pa muna sila kung sino ang mauunang sumagot sa alok nito.

“A-ah thank you po ma’am pero wag nyo po sanang mamasamain pero.. ano po kasi.. ano ah may dadaanan pa po ako jan.. sa may ano.. ah sa may kanto.. tama jan po sa may kabilang kanto may bibilhin pa po ako eh.. oo may bibilhin ako kaya baka hindi po ako makasabay. Pasensya na po.” Nauutal-utal at nahihiyang sinasabi ni Lisa.

“Aaah. Saglit lang ha? K-kakausapin ko lang tong kaibagan ko..” paalam na sabi ni Sam kay Tim sabay hila kay Lisa sa sulok.

“Sure Dito lang ako.” Ngiting sagot ni Tim.

“Ano iiwan mo na lang kong mag-isa ganun?” gigil na bulong nito kaya Lisa habang pinandidilatan nya ito.

Kung kaya’t natawa naman si Lisa sa naging reaksyon nito sa sinabi niya.

“Oo ganun na nga! Bakit may iba pa ba? Kaya mo na yan ba! Text mo na lang ako kung anong mangyayari sa inyo ha? Hahaha. Sige mauuna na ko Sammy.” Paalam nito sa kaibigan.

“Sira ulo ka talaga! Pasalamat ka may kaharap tayong ibang tao kundi!! Nakooo! Mababatukan talaga kita Lisa!”

“Hahaha! Oh ang bangs nagugulo na! Easy ka lang!”

“Namumuro ka na talaga saaking babae ka!”

“Iba talaga ikinikilos mo kapag kahara-”

“Bunganga mo papasakan ko yan ng sapatos pag di mo itinahimik!”

“Osiya mauuna na ako Sammy baka makaabala pa ko sa date nyo ni … araw naman! Sadista ka ha!” hindi na nito natuloy pang banggitin ang pangalan ni Tim bigla kasi syang kinurot ito ni Sam sa tagiliran.

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now