Chapter twenty three

2.6K 55 3
                                    

“Ate naman.. Ate wag mo naman akong iwanan dito kena Tita. Ayoko dito.” umiiyak na habol sakin ng kapatid ko.

“Pangako Thea babalikan kita rito kukunin kita.”

“Ate kung isama mo na lang kaya ako sayo? A-ateee..”

“Thea hindi kita pwedeng isama. Lalo hindi ko rin lang alam kung saan ako pupunta.”

“A-ate kahit naa. Ate alam mo naman na ayoko dito. Basta ayoko dito. Atee..”

“Shh.. Tahana, Thea wag ng matigas ang ulo. Sundin mo na lang ako. Maniwala ka saking babalikan din kita dito.”

“Ate hindi ko kaya. Nawala na nga si Nanay tapos ikaw iiwanan mo pa din ako? Ate naman.”

Hinalikan ko na lang sya sa noo nya at umalis na. Kahit mahirap para sakin na iwana sya dito kena Tita kailangan ko. Kahit na alam kong sasaktan at pagmamalupitan lang sya don wala akong magagawa. Atleast may bahay na masisilungan sya at may pagkaing makakain naman kahit papano hindi kagaya ko, walang kasiguraduhan kung may masisilungan at kung saan ako mapupunta.

--

Lumuwas ako ng probinsya namin na 500 lang ang aking dala na pinahiram pa ng kaibigan ko sakin. Pano ko na ‘to mapag kakasya gayong yung kalahati nito ibinayad ko na sa bus at yung kalahati pa ay kailangan ko pang tipirin.

Pag baba ko ng bus bigla akong nahilo, at pakiramdam ko naikot ang aking paningin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta? Kung ano ang gagawin ko? Ang daming tao. Ang ingay ng paligid. Busina ng mga sasakyan, pito ng mga traffic enforcer, mga ingay ng iba’t ibang tindera. Ang gulo.

Nagsimula na akong maglakad. Hindi ko alam kung saan ako makakarating.. Bahala na..

“Amina yan!” Sabi nung lalaking humablot ng aking bag..

“Gamit ko yan! Ibalik mo sakin yan!” Hinabol ko ang lalaki. Pero hindi ko na din naman sya naabutan. Parang walang pakialam naman ang mga taong nakakita na kinuha ang aking bag. Ni hindi man lang sila nag abalang harangin o tulungan man lang ako na pigilang tumakbo ang mag nanakaw na yon.

Sa isang iglap ko lang, nawala na ang bag ko, kasama nito ang natitirang pera ko na sana pambili ko ng pagkain..

Wala akong nagawa. Napaupo na lang ako sa isang sulok..

Iyak na lang ang nagawa ko, at awa sa sarili na lang ang nararamdaman ko ngaun. Pano na ako mabubuhay ngaun gayong walang wala na talaga ako……?

You Found Me (Lesbian Story) (Short Story)Where stories live. Discover now