Not A Love Story
Hello admin itago nyo nalang po ako sa pangalang Nicole. Sana mo ma post to at paniguradong maraming makakarelate sa story ko.
So begin na po.
This story happened 5yrs ago.
So 17 palang ako non, panahon ng galaan, gimikan at kagaguhan.
Uso kase clan nung mga panahon na yun e nag decide po ako na mag join, di naman po dahil sa nabo-bored ako kundi para mantrip ng mga kalalakihan para hingian ng load. Di nman po sa pagmamalaki e may itchura naman po ako, di man po kagandahan pero nong panahon kase na yun e maraming nagkakagusto sakin.
Kapal no? So eto na nga po.
Dahil na eenjoy ko na ang kakatext, GM's & PM's. Hanggang sa may new member po kame codename nya is Gwiyomi.
So ayun winelcom namin, lagi kame magkatext, yong tipong wala na kameng pakialam sa ibang member.
Mabait sya, maiintindihin, may sense of humor at Gwapo.
Mga ilang weeks ang nakaraan may eyeball na magaganap. Ewan ko ba napaka excited ko nung mga oras na yun kase makikita ko na sya. Nong dumating ang araw na yun e wala po kameng imikan kung anong daldal namin sa text e napakatahimik naming dalawa sa personal at sa kanya ko lang po naranasan yun. Hanggang sya mag pasya kame na mag EB na kameng dalawa lang, dun na po nagkwekwentuhan. Naging sobrang close po kame ni G hanggang sa napagpasyahan namin na mag quit sa clan na sinalihan namin.
FF. Si G po ay may GF at di nya itinago sakin yun nakakatuwa nga kase hindi sya ung tipong lalake na ide'deny ang gf nya pag may katext na ibang babae .Lagi kameng lumalabas, kumakain na magkasama. Gala here, gala there, gala everywhere pero di po alam ng gf nya yun.
Nag sasabihan po kame ng iloveyou sa isat isa, nagki'kiss at holding hands.
Nong mga oras po na yun e gulong gulo ako kung ano ba talaga kame. Hindi ko naman matanong sa kanya at baka layuan nya ako at ayaw ko pong mangyare yun.Tumagal pa po ang aming pagkakaibigan at lumalim ang aming pagtitinginan hangaang isang araw nagyaya sya na kumaen kame sa Labas . Di ko rin po maintindihan kung baket pumayag ako na sumama ako sa knya na mag check in sa hotel dahil alam ko na ang susunod na mangyayare . Pero di ako nagdalawang isip na sumama sa kanya dahil Mahal na Mahal ko na sya . At yun na nga po may nangyare saming dalawa .
Nung gabi ding yun ay napag isip2 ko na napakasama kong tao . Di ko naisip na may gf sya at di ko man lang naisip ang mararamdaman ng gf nya incase na malaman nya po ito .
Pero kahet ganun e di ako nagpapigil sa nararamdaman ko , Lagi na kameng Lumalabas at paulit ulit na may nangyayare samin . Alam ko po sa sarili ko na may kahati ako sa pagmamahal nya pero still masaya po ako sa twing kasama ko sya .Makalipas ang tatlong bwan , alam nyo na siguro ang nangyare . Yes , nabuntis po ako .. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya , natatakot ako baka iwanan nya ako , Nag decide po ako na ilihim sa kanya ang pagdadalang tao ko . Nag change po ako ng number , nag deactivate sa Social media para di nya na ako makontak pa . Napakasakit po sakin ang naging desisyon ko . Hirap na hirap akong iharap ang sarili ko sa ibang tao . But still Mahal na Mahal ko sya ayoko na mag isip sya .
FF , ipinanganak ko ang aking baby , year 2015 . Bilang isang magulang ay kelangan ko magtrabaho para sa aking anak .. Nagtrabaho Ako bilang isang CCA , tiniis ko lahat ng hirap , pagod at puyat . Puro sa twing makikita ko ang ngiti ng munti kong anghel ay napapawi ang Lahat .
Makalipas ang dalawang bwan ng mangyare ang di inaasahan .. Opo , naging katrabaho ko si G , sa una deadma lang po ako pero dun ko po anrealize na di pa nawawala ang feelings ko sa kanya .
Isang araw nagkasabay kameng kumaen , naiilang ako halos di ko malunok ang kinakaen ko . Hanggang sya ang unang nagsalita . Kamusta kna ? Tanong nya saken . Kasunod na yun ang mga napakaraming BAKET !
Di ako makasagot , Wala akong masabi . Naguguluhan ako .
At tinanong ko sya pabalik , Ikaw kamusta kna ? Heto Okay lang Kasal nako . Ikaw kase e iniwan nya ko sabay may mga ngiti sa labi nya . Nginitian ko nalang sya pabalik . Masaya ako para sayo , sabi ko sa kanya . Pero deep inside parang namamatay nako .
May asawa knaba ? Tanong nya saken .
OO MAY ANAK NAKO , PERO NAGHIWALAY DIN KAME NG NAPANGASAWA KO . Sagot ko sa kanya .
Kaya pala di ka nagparamdam saken nun nag asawa kna pala di kaman lang nagsabi .. Sagot nya saken ,
Nung narinig ko yun ay sising sisi ako kung bat ko sinabi yung mga bagay na yun .Sige na balik trabaho nako yun nalang ang sagot ko sa kanya .
Sa araw2 po nming pagkikita ay masasabi ko pong Mahal ko padin sya .
- Sa ngayon po ay magkaibigan parin kame ni G , infact po ay Ninong sya ng anak ko ( na anak nya ) Masaya po ako na sa kahet sa konting oras nya ay nakakasama sya ng anak ko . Maraming Salamat po kung ma ese'share nyo tong story ko .
Dont Judge me po ha ?Nicole
22📜Tagalog Confession
▪︎2018▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files