ANG TAONG NAG-FULFILL NG PAGKUKULANG NG HUSBAND KO
Hello. Hindi ko alam kung anong klaseng judgêmênt ang makukuha ko rito pero here’s my story.
I was 19 when I met my first ever bf, na ngayon ay asawa ko na. I remember all the hardships sa relationship na pinagdaanan namin. Siya ang kasama ko thru ups and downs especially nung college days. By the way, siya nga pala ang ultimate crush ko since HS. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya, e nasa kanya na lahat, ultimate headturner ng hs, mabait, dancer, lahat.
Naabot namin lahat ng goals namin. Maka-graduate, makapasa ng boards, and I made it! I made it dahil sa kanya. He was my support system, my everything. Sa kanya lang umiikot ang Mundo ko. Until I get pregnant. Nabuntis ako and then napag-usapan na namin yung kasal. Yung kasal na hindi sana ganon ang pangarap namin, yung mas bongga pa sana.
Siguro masasabi ko na 9/10 siya as pagiging bf and hubby. At ama ng mga anak namin. And one day, dahil nga pangarap namin makapag-abroad, naisip ko na much better kung ang hospital experience ko ay kunin ko sa Manila. Tumagal ako ng ilang months sa isang area. Kaya lang, may hindi ako nagustuhan kaya nag-request ako ng ibang area.
Ang hindi ko alam, dito ko pala makikita yung katangi-tanging tao na mamahalin ko. Alam ko, sobrang mali. Mali na habang yung asawa ko ang nag-aalaga sa mga anak ko, ako naman nandito nag-e-enjoy kasama yung taong gustung-gusto ko. Ngayon na ngayon ko lang naramdaman yung ganitong pakiramdam. Na halos mabaliw pag hindi siya nakikita.
Siguro dahil sa araw-araw na pagiging maasikaso niya sa kin. Mabait siya sa lahat. Mabait siyang tao. Sobrang gwapo. Sobrang funny. Siya lang nakakapagpatawa sa kin ulit. At higit sa lahat, pinaka nakaka-appreciate sa kin. Na maganda raw ako, etc. Sa bawat araw na dumaraan, lalo ako nahuhulog sa kanya. Lalo na nagkakaron na kami ng oras na lumabas pero hindi kaming dalawa lang.
Hindi ko alam na ganito pala pakiramdam ng naliligaw na landas. Dati todo batikos pa ko sa mga artistang nang-iiwan sa pamilya pero pag pala tinamaan ka, halos mawala ka na sa sarili. Kahit ano pa ang kapalit. Sounds selfish pero kalaban mo ang sarili mo. Kahit alam mo na wala naman din patutunguhan.
Sa isang banda, may regrets din ako na bakit ako kinasal. Sana hindi. Kasi wala naman tao na gusto maging k4bît. Pero bigat na bigat na ko dahil gustung-gusto ko siya. Habang tumatagal, lalo lang nade-develop feelings ko sa kanya.
Pia
2019
Nurse
Our Lady of Fatima University
---
Send your stories/confessions here: www.usfstories.com📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files