NEWLY WED SA HUSBAND KONG SEAMAN
Hi, mga Ka-USF. Share ko lang yung story ko. Bagong kasal ko lang sa boyfriend kong seaman. Sa almost 2 years na preparation, naging successful naman yung kasal. After nun, bigla siyang nanlamig sa ‘kin. Balik barko na naman siya kaya LDR kami ngayon.
Di man lang siya nag-a-update sa ‘kin kahit isang text lang, kahit good morning/good evening wala na. Sa una lang pala masaya, sa una lang pala yung kilig. Sa tuwing tatawag ako di na niya sinasagot. Minsan aabot ako ng 50-100 dial, ring lang nang ring phone niya, di sinasagot.
Oo, madalas busy siya sa work pero may time naman na tutok siya sa internet, online sa FB. Maglo-load yan pang-data, manunuod lang ng YouTube or mga video sa Facebook. Kaya minsan naîînis ako, tagal niya mag-reply pag magka-chat kami. Nakakaîrita maghintay. Nagbago na siya.
In 2 years of living together, hindi pa ako nabubuntis. Gusto niya magkaanak kami kaso wala pa talaga. Palagi na lang kami nag aaway dahil hindi siya maayos na nakikipag-communicate sa ‘kin.
May past relationship ako, at alam niya yun. Pag nag aaway kami, palagi niya bini-bring up yung mga past ko, yung mga pagkakamali ko. Oo, nagkamali ako dati pero past na yun dahil nabubuhay tayo sa present. Yan lagi yung pinag aawayan namin pero ako, never ko na tinanong sa kanya ang mga past niya. Kasal na kami, dapat yung mind niya is focus na sa ‘kin. Di naman ako nagkulang kahit LDR. Lagi ko siyang tinatawagan kaso di niya sinasagot, nakakapagod kaya mag-effort.
At eto pa, may tatlo siyang accout, yung new accout niya is real name niya kaso di ko siya ma-add, naka-private ata kaya di kami friend. Yung isang account niya in-unfriend ako. Di ko na ma-add, private na rin. May isang account pa na naka-in relationship kami sa isa’t isa, don kami friend. Na-unfriend na rin niya ako sa account na yon, at dun ko na siya inâwây. In-add niya ako ulit don at don na kami magka-chat at video call. Minsan nga lang mag-chat. Naka-off status pa, di ko makita kung active ba siya, o ibang account na naman ginagamit niya. Ang hirap pag LDR.
Ito ang w0rst feeling, yung mga picture namin sa kasal na tinag ko sa kanya, ni-remove niya. Bakit niya ni-remove, e nandon naman yung mukha niya? At yun, in-stalk ko account niya, mga tag ko lahat ni-remove niya. Ang sâkit sa feeling na asawa mo tapos ni-remove niya ang tag mo, ni-remove niya mga photos ko sa Facebook niya. Asawa mo nga pero in-unfriend ka sa Facebook.
Sobrang sâkit, nakâkâdur0g, nâkâkâinsulto, tinâtapâkân niya pagkababae ko. Di man ako perfect, pero ang mabibigay ko sa kanya ay yung buong pagmamahal ko. Di ako nagkulang bilang asawa. Di ako nagkulang sa oras sa kanya. Araw-araw kino-contact ko siya kaso di niya wala akong response na natatanggap.
Nanlamig na yung dating boyfriend ko na dati halos aabot kami ng umaga sa pag-uusap, ngayong asawa ko na siya, e halos di na masagot yung tawag ko, di man lang palagi makausap. Iba na talaga, nagbago na siya.
Triz
20**
*Confidential📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files