PINAYAGAN KO ANG BF KO NA MAG-CLOSURE SILA NG EX-GF NIYA

9 0 0
                                    

PINAYAGAN KO ANG BF KO NA MAG-CLOSURE SILA NG EX-GF NIYA

I have an ex-boyfriend for 2 years and 5 months. We broke up a month ago. Year 2020 nung nagkakilala kami, getting to know each other until ligawan stage and naging kami. We celebrate the new year together with his family pa. We're super okay naman sa mga sumunod na months, super close namin sa family both sides. Actually, super panatag ako pag kasama ko siya to the point na natutulala na lang ako habang nakatingin sa kanya tapos mapapaisip ako na sana hanggang dulo siya na. (Di sa pagiging OA pero yun talaga nararamdaman ko noon. Lol.)

Sa isang taon na relasyon naming, wala naman kami gaano naging issue, away lang pag di nagkasundo sa ibang bagay, ganon lang kababaw. Haha. Not until dumating yung birthmonth ng ex-gf niya. He please me na pumayag ako i-chat niya yung girl to greet her a happy birthday, etc. I said it’s okay, birthday naman. Alangan ipagdamot ko yon. Haha. I trust him na wala naman siyang ibang gagawin.

Pero that time, biglang nag-iba pakiramdam ko, bigla akong kinabahan. Iba pala talaga instinct ng mga babae. So, I follow my kaaningan. In-open ko account niya sa chrome para di ma-log-out account ko sa Messenger since nagcha-chat din naman siya sa ‘kin that time.

And guess what? Ka-chat niya yung ex-gf niya BUT! Not related na sa birthday kineme yung sinasabi niya. He chat his ex-gf to please.
Yes, he beg na bumalik na yung ex-gf niya sa kanya. K@P@L NG MUKHÂ, DI BA? Nagagawa niyang mag-update, mag-I love you, mag-I miss you sa ‘kin habang nagmamakaawa siya sa ex niya.

Umiiyak lang ako that time habang binabasa ko mga chats niya don AND!!!!! May pâs4b0g pa nga, planado na pala lahat, nagpadala na pala siya sa ex-gf niya ng bouquet of flowers, stuff toy, at chocolates. (No worries naman ako sa girl since ayaw niya na talaga bumalik kay guy)

Days passed. Nakipaghiwalay na rin pala ako sa kanya, di ko na siya kinontact, I blocked him on all social media accounts.  Pero di siya pumapayag, he said sorry ng paulit-ulit, nag-explain siya ng side niya but di pa rin ako pumayag na bumalik ulit sa dati. Until grabe na yung effort na ginagawa niya kung paano siya bumawi. Dahil marupok, syempre nagmamahal lang, pinatawad ko siya.

We're okay again, months passed, we celebrate again the Christmas and New year together. Nakikita ko na siyang ok ulit, happy siya pag magkasama kami. Nag-a-out of town kami, foodtrip lalo na Samgyup kasi fave namin yon parehas. Then month of August, I decided na mag-stop muna sa work kasi grabe na stress at pagod ko which is di na worth it sa sinasahod ko.

I asked him, kung okay lang ba sa kanya, and it’s okay lang naman daw, willing siya mag-help if need ko ng tulong like financial support, ika nga. I forgot pala na nag-2nd annivesary kami na siya halos gumastos lahat and super nakakahiya kasi ganda lang ambag ko that time. Hahaha! Lol.

Months passed again, lagi niyang nasasabi sa ‘kin na gusto niya magka-closure sila ng ex-gf niya para mapanatag na ng tunay yung loob niya. So ilang weeks na yung dumaan, napagisip-isip ko na why not na ibigay ko sa kanya yung gusto niyang mangyari. I confront him, sinabi ko na I’m giving my permission na mag-closure sila ng ex-gf niya. And f*ck! Nakita ko sa mukha niya yung aliwalas na he’s so happy.

Days after nila mag-closure? They're trying to fix na pala yung relationship nila before knowing na kami pa ni guy.

But you know what, USF Fam? Ni-ready ko na yung sarili ko sa lahat ng mangyayari. Hehe. Pero kahit gaano ka pala ka-ready, pag sinâmp4l ka pala ng katotohanan mawawala angas mo. Hahaha! Iyak, tulog, walang kain, diyan lang umiikot buong limang araw ko. Grabe pala pag nagbe-break down,, ‘no? Hahaha! Para kang nâm4tây saglit.

Nag-usap na pala kami ni guy, he explain to me what happened when he saw again his ex-gf. Bumalik daw lahat ng nararamdaman niya and si ex-gf pala talaga yung comfort zone niya. Kung paano niya kinwento lahat? Hehe. Grabe lang yung saya sa mukha niya na never ko pa nakita yon sa loob ng higit 2 taon na magkasama  kami.

That smile in his face is the reason why I need to let him go.

Totoo pala talaga na pag mahal mo papalayain mo. And you know what, USF Fam? Acceptance is the key. Masakit but mas magiging masakit kung patuloy kang mag-i-stay sa ganong situation. Di natin deserve ng ganon treatment.

You don’t need to beg to the person just to stay or love the way you wanted to.

Never ako nagmakaawa sa kanya and I’m proud to myself.  Baka nga may mga taong umaalis kasi may mga taong parating na deserve talaga natin.

M***
2014
BSAT
*Confidential
---
Submit your stories/confessions here: www.usfstories.com. We will try to feature it!



▪︎University Secret Files
▪︎2023▪︎

Tagalog ConfessionsWhere stories live. Discover now