NOTE

7 1 0
                                    

NOTE

Nung isang araw pinakelaman ko cellphone ng boyfriend ko. Binuksan ko yung notes, maglalagay kasi sana ako ng surprise note para sa susunod na binuksan niya masusurpresa siya. Pero ako yung na-surprise.

Nabasa ko yung isang note niya, plano niya sa isang date namin nitong nakaraan. Naalala ko yun, yung araw bago yun ang lungkot lungkot ko, stressed sa dami ng problema. Kausap ko siya sa phone, sabi ko gusto ko na magbasag ng mga gamit, sabi niya wag na ako malungkot, siya na bahala. Nung gabi na yun kinantahan niya ako bago ako matulog, nawala yung lungkot ko.

Kinabukasan, sinundo niya ako ng maaga, tinanong niya kung gusto ko malaman yung plano, sabi ko hindi, siya na bahala. Pumunta kami sa mall, nag-Timezone, nag-Tekken kaming dalawa, tapos nag-videoke hanggang naubos na boses ko, pagtapos nun nanood kami ng sine, tapos kumain. Lumabas kami ng mall pero malakas yung ulan, kaya pumasok kami ulit.

Nanghinayang siya, sabi niya dapat pupunta kami sa kanila, lalakad sa may ilog, may pinrepare daw siyang mga babasagin para magbasag ako dun. Kaso umuulan. Nung araw na yun na-touch talaga ako. Yung pagkanta niya pa lang para sakin nung gabi actually nawala na yung stress ko. Pero ginawa pa namin lahat ng anti-stress ko, di ko rin in-expect yung pagbabasag, pwede pala yun.

Akala ko dun na natapos yung araw na yun. Hindi pala, nabasa ko sa cellphone niya yung buong plano niya noon, detalyado, mula sa kung anong oras niya ako susunduin, saan kami pupunta, anong oras dadating, gaano katagal kakanta, anong oras manonood ng movie, pati yung mga platong binili niya para magbasag ako. Hindi ko in-expect na may tao pa lang ganun mag-effort. Oo, nakikita ko araw-araw yung effort niya, totoo talaga yung "araw-araw kitang liligawan".

Sobrang tindi ng trâuma na inabot ko nun sa ex ko, nung dumating siya nawala lahat yun. Minsan tinatanong ko pa rin kung deserving ba ako maging ganito kasaya. Pero nagpapasalamat na lang ako kay God. Mahal na mahal ko siya, sobra. Gagawin ko lahat, pero yung araw-araw na saya kasama siya sobrang effortless.

Tuwing sinasabi niya na "mas mahal kita" naniniwala ako, kasi nakikita ko kahit gaano ko siya kamahal, nasu-surprise pa rin ako araw-araw sa mga ginagawa niya, na kitang-kita sa mata niya na masaya siyang ginagawa yun. Yung mga effort ko, hindi ko alam parang walang kwenta compared sa little surprises niya. Yung mga effort ko parang hindi nga ako nage-effort kasi yung mga gusto kong ginagawa yun din yung nagpapasaya sa kanya.

Sorry na ang cheesy ko. Wala lang. Sana wag ka mapagod mahalin ako. I love you, love.

Deboned
2012
Arki
UST

#USFComeback


📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

Tagalog ConfessionsWhere stories live. Discover now