AANHIN ANG MARAMING PERA IF WALA KA NAMANG ANAK?
#PayongKapatid
Mga ganitong linyahan sa itaas grabe makapag pa trigger sakin. Kaya maraming trauma mga kabataan ngayon kasi sa mga ganitong mindset.
Sarap lang ba alam nyo!? Di nyo ba inaalala if mabibigyan nyo ng magandang bukas magiging anak nyo?
Lumaki po ako sa hirap. Sa awa at tulong ng Diyos naging maayos na po buhay ko. Dahil nga mahirap kami elementary pa lang ako hindi ako makasali sali sa nga extra curricular kasi nasa isip ko na walang pambayad si mama at papa at alam ko if sasabihan ko sila gagawa sila ng paraan at uutang.
Minsan isang kainan lang sa isang araw. Nung high school ako sinasabihan ko lang mga classmate ko na uuwi ako para manang halian sa bahay namin pero nasa library na lang ako at nag aaral.
Nung Kolehiyo ako hanggang 8pm yung klase ko pero snow bear lang yung pananghalian ko kasi wala akong baon. Nagtututor ako sa mga kaklase ko para libre ako minsan ng lunch. At nung tumungtong ako ng 18 nagtrabaho ako sa callcenter sa gabi fulltime at sa umaga naman full din ang klase..
Yung tipong 5pm yung out nyo sa paaralan tapos 10pm papasok ka na sa trabaho. Pasalamat ako na ang teacher ko sa 8am class ko hinihintay ako bago magquiz (thank you so much ma'am) sa awa ng Diyos naikayod ko hanggang matapos ako saEngineering na full scholar kaso yung bayarin na 9k per month d pa rin kaya ng magulang ko.
Sa lahat ng nagsasabing aanhin mo ang pera kung wala kang anak. Sana po ma isip nyo na if financially stable po kayo d magsusuffer ang anak nyo sa pasarap nyo lang!!
Thankful ako sa magulang ko. Alam kong gusto nila akong tulungan kaso WALA KAMING PERA!
MASAKIT PA NAMATAY ANG PAPA KO NA 1 MONTH NA LANGGRADUATE NA SANA AKO SA COLLEGE. WALANG IPAMPAGAMOT KASI WALA KMING PERA! KITA NYO NA KUNG GAANO KAHALAGA ANG PERA!?
ISIP ISIP DIN KAYO PLEASE LANG. HUWAG PURO PADAMI. Kaya ayaw kong mag anak. D ko kaya makita anak ko na maging parehas sakin. D ako nang hihingi ng tulong kinakaya ko na lang lahat. Mabuti na lang talaga may awa ang Diyos sa mga nagtitiwala sa kanya ng mahigpit na ang sipag samahan ng dasal hindi ka niya pababayaan.
- HUWAG PO KAYO MAG ANAK IF GUSTO NYO LANG SILA MAGING RETIREMENT PLAN
- HUWAG PO KAYO MAG ANAK PARA LANG SUMAYA KAYO KAHOT WALA KAYONG PERA
-HUWAG PO KAYO MAG ANAK IF FEELING NYO LANG YANG KOKOMPLETO SA INYO PARA MAGING BABAE KUNG WALA KAYONG EH SUSUSTENTOPLEASE LANG HUWAG MAG ANAK IF WALANG PERA PANTUSTUS
THANK YOU
▪︎2023▪︎

CZYTASZ
Tagalog Confessions
LosoweConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files