BIRTHDAY

22 1 0
                                    

BIRTHDAY

Itago niyo na lang ako sa pangalang Nikay, 22 years old ako nung nangyari to at may bf ako, we've been together for 3 years. Nagkakilala kami sa online games, to make long story short, niligawan niya ako at ganun din sa family ko niligawan niya din. Until naka-close niya na. Pareho kami ng birthday, nauna lang siya sa akin ng 2 years, sabay kami lagi nagse-celebrate ng birthday.

Month of November, hindi na talaga kami nag-uusap nang maayos, siguro dahil din sa sobrang busy namin kase pareho kaming working student pero palagi rin siyang umaalis kasama ang mga tropa niya. Parties, hangouts, and nakasanayan ko na yun.

Dumating na yung birthday namin pareho, sabi ko ayain niya na lang sa bahay yung mga friends niya para naman dun na rin magsaya at pumayag naman siya. Gumising ako nang maagang-maaga para mamalengke at makapagluto ng mga makakain ng kanyang bisita, eh kaso that time may work ako kaya ang sabi ko hintayin niya na lang ako makauwi.

Tapos na ako sa work at nandun lahat ng tropa niya, lahat naman yun close ko at everytime na may gagawing mali or may mapapansin silang mali na ginagawa ng boyfriend ko, e isusumbong agad sa akin (kalma kayo ha, di naman cheater boyfriend ko, LOL) and then paguwi ko nadatnan ko silang lahat magkakasama, nandun din sila mama nagkakantahan.

Nakita ko ang boyfriend ko agad ko siyang nilapitan at sabay kaming binati ang isa't isa na maligayang kaarawan, lumipas ang mga oras at nagpaalam ang boyfriend ko na ihahatid yung tropa niya, eh nakainom na rin sila kaya ayokong payagan pero sabi ng bf ko kaya niya naman daw. Napapayag niya ako at agad niya akong niyakap nang pagkahigpit-higpit na agad kinatibok nang mabilis ng aking puso, sabay rin ng pagkakahalik sa aking noo at sabay sabing,

"Happiest Birthday mahal ko, ikaw ang pinakamaganda at ikaw lang hanggang sa susunod na buhay."

Nagsabi ako na bumalik agad siya at ako naman, e aasikasuhin sila mama at ang ibang bisita pero nandun yung kaba hanggang sa narinig ko na ang ingay ng motor niya sa highway ngunit kasabay nun ang ingay ng tila bang parang malakas na pâgsâb0g. Agad kaming natigil sa kaingayan, lahat kami ay naglabasan ngunit ang bumungad sa amin ay ang katawan ng bf ko na pun0 ng dûg0 at ang motor niyang sobrang lala ng sira.

Tumama siya sa isang p0ste ng Meralco, agad agad namin siyang sinugod sa hospital nun ngunit pagdating doon ay wala ng bûhây, ang kinâm4tây niya ay hemôrrhage.

2 years na rin siyang wala, hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin ng pangyayari lalo pa at birthday namin ang kanyang deâth ânniversary.

Nikay
20**
BSA
*Confidential

#FEUSFComeback


📜FEU Secret Files
▪︎2022▪︎

Tagalog ConfessionsWhere stories live. Discover now