NAGSINUNGALING AKO SA GF KO NA SINGLE MOM
Hi. I need some thoughts and help to get over this and to move on. I am having some trouble letting it go kasi hanggang ngayon ay affected and mahal ko pa rin siya. Pero I am trying my best kasi alam kong wala ng pag-asang mabalik yung kami.
She’s a single mom, I dated and courted her for 1 year before we finally made it official. Oo, mahirap bumuo ng tiwala ng single mom. Andiyan yung tr4úmä and takot nila e, but every pagod was so very worth it simula nung naging kami. I cherished every precious moments and memories we spent with each other.
We even had times that we had misunderstandings but we handled it perfectly. Ako kasi yung gusto ko pag-usapan agad yung problema, di na kailangan mag away or palakihin, ganun. But everything changed nung I caught her. I caught her chatting with her ex-bf and with another man, entertaining them and letting them express their love for her.
Even saying I love you's with each other. I'm devastated that time. Sobrang sakit, and malala non? Kasama ko siya that time. I'm at their house kasama ate nya and kinakasama ng ate niya. Gagala kami that time, nagkataon lang na naliligo siya and naiwan niya cellphone niya. Alam mo yung feeling na sana di mo na lang kinalikot, ganon? Haha.
Ang sakit, tinago ko sa kanya yung sakit kasi ayokong masira araw naming dalawa. Hanggang sa pauwi kami, dun na niya napansin mood ko. So nagtanong and nangulit siya, sinabi ko, umamin ako. I told her na nasaktan ako and ano ba talaga nararamdaman niya sa min, sa kin. She told me she loved me.
Sa isang salitang yan, nawala lahat ng sakit na naramdaman ko kaya sabi ko, mauuna na ko. Pinag-usapan namin sa Messenger, dapat makikipaghiwalay siya kasi sabi niya di niya daw ako deserve. But I accepted her, gave her another chance kasi mahal ko siya. And everybody deserves a second chance.
Tinanggap ko siya, simula non ay nagbago siya. And I'm super glad. Time goes by, naging masaya kami. Dates, even going on a staycation trip para lang masulit yung oras namin sa isa’t isa. And sobrang satisfying, until one time. We had another misunderstanding, sobrang pagod ako sa work kaya di ko naasikaso agad.
Nagkataon pang niyaya ako ng bestfriend ko na lalake magpunta sa Eastwood, para mag-dalawang bucket. Hindi kami okay nun, siya naman nanonood ng liga kasama ate niya. Then until nakita ko sa Messenger niya, (binigay niya Messenger niya sa kin. We had each other’s account) nakita ko picture niya with another guy na basketball player. And inaasar sya ng ate nya, and she was like imbis na patigilin niya, in-enjoy niya pa.
I don't know, maybe I just over reacted that time pero nagselos and nasaktan ako. Kasi imbis na makipag-usap sa kin, ayusin, andun siya. So di na ko nag-reply sa kanya, pauwi na ko nun. Nasa Cubao ako nung nabitin ako sa alak, so nag-chat ako sa tropa ko sa min. Pero naka-secret convo, nag-chat ako and nagyaya uminom sa kanila, and I told him na yayain din yung dalawa pa naming kaibigan na babae.
Sinabi ko lang yun kasi yung dalawang babae na kaibigan namin na yun ang madalas nag-aambag and sumasagot ng alak namin. After 15 minutes, papunta na raw sila dun sa bahay ng friend ko. But suddenly, a realization hits me, na bakit ko pala ginagawa yun? So chinat ko friend ko, sabi ko sila na lang mag-inom kasi uuwi na ko. And I updated my gf too na pauwi na ko.
Ayokong mag-cheat, ayoko palalain yung away namin. But that was the very big mistake I did. Ayoko kasing i-delete yung convo, I want pure honesty. But my honesty turned into a disäster. Nahuli niya ko the next day, naunahan ako. I tried explaining everything na di ako pumunta and di ako tumuloy. I admit my mistakes and was hoping to give me another chance. Pero wala na.
One thing I learned is to not lie to your partner. The other thing is, hindi sa lahat ng oras, gagawin ng partner mo yung ginawa mo para sa kanya. I pursued her for 1 week. Pero after that, wala na.
Na-realize ko na rin na I need to stop. Maybe it’s for the better. 7 months na kaming break pero until now nanghihinayang pa rin ako. I made a mistake, but should I be given another chance?
JM
2022
IT
PUP
—-📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files