TINANGGAP AKO NG PARTNER KO KAHIT SINGLE MOM AKO (PART 2: PARTNER'S POV)

5 1 0
                                    

TINANGGAP AKO NG PARTNER KO KAHIT SINGLE MOM AKO (PART 2: PARTNER’S POV) 

I’m sorry. Alam ko marami napataas ng kilay sa kwento mo. Yes, tanggap ko si Tala ng buong-buo. Walang tapon.

I even introduced her to my mom kahit bago pa lang kami dahil ayaw ko maramdaman niyang laro-laro lang ‘to. Hindi ko talaga gawain na magpakilala ng babae sa nanay ko ng ganun kabilis.

Wala siyang tinago ni isang sikreto sa akin nung unang meet namin sa Bean & Beans sa Angono. Sobrang gusto ko siya ayusin. Gusto ko siya itakas sa madilim niyang mundo. Ang dami niyang not-so-right na desisyon na gusto kong baguhin.

Sobrang vulnerable niya that time and nasasaktan ako ng sobra dahil sa mga nang-take advantage sa ‘yo. Sabi ko sa sarili ko, kahit yun na lang maging silbi ko sa kanya.

Sobrang saya ko kapag kasama kita. Nami-miss ko na kapag gagala na tayo sa mga overlooking dito sa lugar namin. Nami-miss ko na magkape kasama ka. My love for you is genuine and pure.

Inakala namin na okay na lahat. Until kinausap ako ng nanay ko about sa kanya. Never in my life na nakita ko yung nanay ko umiiyak dahil sa ginagawa ko. She even mentioned na baka ‘yon pa ikâm4tây niya ‘pag pinilit ko pa. Pâinful words to hear from your mom, right?

I did my best para ipagpatuloy ‘yung sa amin. Hindi ko gusto ‘tong nangyari. Sino ba naman may gusto? Kayo? Kung alam niyong someday gusto niyong ikasal pero may tututol at may masasaktan, itutuloy niyo pa rin ba?

Tala, sana naintindihan mo ako na mas pinili ko ‘yung safety ng puso mo. Ayaw kong in the future na sisihin mo rin ako dahil bakit ko pa pinatagal. Willing ako sa ‘yo. Pero iba. Iba talaga ‘yung kalaban natin. Mas kilala ko siyang lubos.

Sana sa mga nakabasa, oo, sobrang t0xîc ng pag-uugali ng nanay ko. Wala ako magawa dahil nasa poder pa rin niya ako. Kahit baliktarin mo ang Mundo, siya pa rin yung nanay ko.

Hindi mo deserve na itago. Ayaw kong mahirapan tayo.

Always know your worth. Oras na para bigyan mo ng pagmamahal yung sarili mo. Always prioritize your little angel, Tala. Palagi ka mag-iingat. Galingan mo sa work.

Lastly, galingan natin sa buhay. Sana kahit wala na ako sa tabi mo, matupad mo pa rin ‘yung mga pangarap mo, pangarap natin. I know, kayang-kaya mo kung gugustuhin mo.

I would never forget the lady that made me happiest. The most worthy. The most genuine, the most authentic. Palagi kang nasa puso ko, Tala. Apply natin sa buhay natin ‘yung mga natutunan natin.

I want both of us to be wiser and stronger. Instead of being sad about what happened, let’s cherish together the happiest moments we experienced. That, once in our lives, we had the best feeling ever.

I used to be your blessing. Now, I’m just a lesson. I love you and goodbye, Tala.

“Our greatest love is not always the one who we end up with…”

Rizaleño Inhinyero , 2017, BS Mechanical Engineering, RTU



📜University Secret Files
▪︎2023▪︎

Tagalog ConfessionsWhere stories live. Discover now