MAY PAG-ASA PA BA KAYANG DARATING?
Hello po admin. Nais ko lamang po sana na ipahayag dito yung hinanakit at lungkot na aking nadarama dulot ng aking kasalukuyang kalagayan dahil halos hindi ko na talaga kaya, tho please bear with me na lang kasi hindi ako gaanong kagalingan o maayos sa pagsusulat tsaka first time lang po ako mag-confess at magsulat dito. Long post ahead.
Napakahirap nga talaga ang maging mahirap, lalo na't ako'y isang college student tapos wala pa 'kong natatanggap na scholarship assistance ni isa ever since tsaka mahirap din nga naman maghanap ng trabaho dahil first-timer ako o magtrabaho kahit part-time lang via online lalo na kung ang gadget (laptop) na pangunahin kong ginagamit para dito at maging sa pag-aaral ay nasira nito lang mga nakaraang buwan tapos wala man lang akong magawa dahil di namin afford yung pambayad upang maipagawa itong muli. Maski nga sarili kong cellphone eh hindi pa napapalitan ng bago at nasa old model pa din at outdated na yung specs, todo tiyaga at tiis kahit nahihirapan akong gawin ang mga gawain ko paunti-unti dito sa phone ko both sa school at sa iba pa. Heto't magtatapos na lang yung kasalukuyang semester pero halos di pa ako makausad academically nang dahil sa ganito naming kalagayan at ito din ang rason kung bakit naging irregular student ako ngayon at na-mess up yung academic performance record ko (yes po, I'm an irregular college student at napre-pressure din ako dahil may goal ako na ayusin at ma-settle ang lahat ng aking mga backlogs at irregularities within this school year and next ngunit mas lumala lang itong pressure sa'kin nung nasira accidentally yung lappy ko). Nakakagulo, nakakalumbay at nakakapangamba dahil ginawa ko na din yung iba pang mga paraan na alam ko tungkol dito upang mapunan yung mga gawain ko at makapasa at humingi na din ako ng tulong sa iba't-ibang mga tao na malalapitan ko but all of them got to no avail.
Ultimo yung baon at allowance ko eh todo tipid at budget din ako upang magkasya lang sa isang linggo at may instances pa na nakaka-absent ako sa klase para lang ma-optimize ko yung pera ko, tsaka imbes na makapag-ipon eh nagagasta pa din yung mga kokonting naipon ko sa school, sa bahay at sa iba pang mga bayarin at bagay na kinakailangan kong gastusan. Minsan eh gustong-gusto ko nga ring umattend at pumarticipate sa mga activites and events ng University namin ngunit di ko magawa dahil kulang sa pera at budget.
Naaawa na din ako sa mga magulang ko, lalo na kay mama dahil siya na lang ang may stable at disenteng trabaho sa aming pamilya at nagtutustos sa akin at sa'king bunsong kapatid at maging sa mga gastusin sa bahay dahil yung papa ko eh medyo may nararamdaman na sa katawan at masyadong maliit na lang yung kinikita, tapos yung nagiging income nila both pag-icinombine eh hindi pa rin sapat sa aming pamilya kahit na apat lang kami. Nakakainis din at the same time dahil wala akong masyadong magawa upang makatulong sa kanila kahit ginawa ko na ang aking buong makakaya at mga paraan para dito, dagdag pa yung pressure ng bagay na ito dahil 21 na ako tas wala pa akong nagiging source of income.
Dahil sa kalagayan naming ito, minsan naiisip ko na mam@tay o maglaho na lang dito sa mundo, o di naman kaya magnakaw, gumawa ng mga illegal na bagay o ibenta ang aking katawan maisalba lamang ang aking sarili at pamilya ko sa kahirapan, nawawalan na ako ng pag-asa sa buhay na ito at nakwe-kwestiyon ko na din minsan ang pananampalataya ko at si Lord kahit Christian at active ako sa Church org namin. Andami ko ding mga what ifs at mga regrets sa buhay at palagi kong sinisisi ang sarili ko dahil aminado naman din akong may mga maling desisyon at aksyon akong nagdala sa akin sa kung ano man ang mga kinakaharap ko sa ngayon. Isa itong napakalaking tinik sa puso ko at halos walang sandali na hindi ko naiisip ang mga bagay na ito kahit saan man ako magpunta (yes po, kahit sa Church dahil kahit na nandun ako eh parang isang sandali lang ako nakakalimot sa aking kalagayan tapos maaalala ko na naman ulit maya-maya) at kahit na ano pa man ang gawin kong mga coping mechanisms para rito. Tsaka sa puntong ito eh dito ko napagtanto na marami akong natutulungan noon sa kahit na anong paraan ngunit ni isa sa kanila eh hindi man lang ako matulungan sa mga kinakaharap ko ngayon and dahil diyan eh mas naging distrustful at mailap na ako ngayon sa mga tao, at naiisip ko rin at some point na mukhang pera na nga lang siguro ang tanging solusyon sa halos lahat ng mga problema dito sa mundo.
Pagod na pagod na po ako sa kakaisip at kakaharap sa kalagayan naming ito. Di ko na po rin talaga alam kung ano'ng gagawin ko bunsod ng labis na kalungkutan, kalituhan, lumbay at pangamba para sa kinabukasan. Nakakapagod na ding magpanggap sa mga taong nakapaligid sa'kin na ayos lang ako kahit ang totoo eh hindi naman na talaga ako ok noon pa dahil sa alam nila na Christian ako, kesyo malapit daw ako kay Lord at ine-expect nila na magiging matatag ako at magpaka-man up sa mga problema at pagsubok sa buhay.
Tsaka alam niyo po yung feeling na gusto kong umiyak sa sitwasyon ko pero ni isang luha eh di man lang magawang pumatak? At mas nakakababa pa man rin ng confidence at pagkatao every time na naaalala ko na isa pala akong active student at achiever noon lalo na nung nasa High School pa ako ngunit napunta ako sa ganitong estado ngayon.
PS. Sorry for redundant words or kung medjo naguguluhan po kayo sa kwento ko, tho maraming salamat po sa pagtitiis niyo na basahin ito hanggang sa puntong ito. I'm not in a good state of mind and heart as of writing.
Anonymous
2022
Secret
Somewhere in Eastern Visayas📜FEU Secret Files Readers (Freedom Wall)
▪︎2022▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files