ONE NIGHT STAND WITH MY BEST FRIEND'S FATHER
Before I start, Archie, alam kong avid reader ka ng page na ito, sabay pa tayo noong nagbabasa kahit sa spookify pa. Though I'm not sure kung alam mo na ang tungkol sa website na ito but I hope you'll know and I just want to say sorry for being a coward kasi umiiwas ako. Sorry kung dito ko lahat sasabihin ‘yong explanation na deserve mong malaman. Sorry kung na-in love ako sa papa mo. Sorry.
Archie was my boy-best friend since elementary. Magkapatid ang turingan namin and we both know na hanggang doon lang ‘yon. I remember lagi siyang hatid-sundo ng papa niya noon and as a child, naiinggit ako kasi I never experienced it dahil maagang namatay ‘yong papa ko. Tuwing binabaunan niya si Archie noon eh sabay kaming kumakain ng lunch, he would also prepare for me.
No’ng tumuntong kami ng highschool, nagsimulang ma-develop ang feelings ko kay Tito P, ‘yong papa ni Archie. Mas malapit na kasi noon ‘yong school sa bahay nina Archie kaya doon na kami naglalunch lagi, at palagi ko siyang nakikita. Hiwalay si Tito P at ‘yong mama ni Archie na may ibang family na rin pero that time, may ka-live-in si Tito P. ‘Di ko alam kailan nagstart pero I just found myself na nagkaka-crush na sa papa ng bestfriend ko. Akala ko simpleng crush lang pero nagtagal ng mga buwan, taon, at hanggang magcollege kami, patago akong nagkakagusto kay Tito P.
Kung sa hitsura lang ni Tito P, gwapo kung gwapo. Matangkad, moreno tapos medyo may muscle kasi dati siyang batak sa gym. Pero hindi lang ‘yon ‘yong reason kung bakit ko siya nagustuhan. Sobrang sweet ni Tito P. Tuwing birthday ko lagi siyang may birthday present sa ‘kin, tapos lagi rin niya akong kinukumusta no’ng mga panahong nahihirapan ako sa pag-aaral.
Sembreak namin before Christmas season umuwi ako sa province, sakto namang birthday ni Tito noong December 18, isa ako sa mga tumulong maghanda ng small celebration ng 40th birthday niya. Naalala ko Sunday no’n kasi nagsimba muna sila kasama niya ‘yong bagong girlfriend niya. Nagpaiwan kami ni Archie para magluto ng mga handa. Teacher ‘yong bagong girlfriend ni tito, single mom. Though masaya naman ako kasi kako baka sakaling mawala na ‘yong feelings ko para kay Tito, pero hindi ko maiwasang magselos at masaktan.
Hindi s’yempre mawawala ang inuman, alas-sais pa lang eh nagsimula na sila. May sarili kaming pwesto nina Archie tapos sina Tito naman eh kainuman niya mga kumpare niya. Bandang alas-onse no’ng magsialisan na ‘yong mga bisita, kasama ‘yong gf ni Tito. Dahil lasing ang lahat, hindi na ako pinauwi ni Archie, pinahiga niya ako sa kama niya tas naglatag naman siya ng higaan niya sa sahig. Bandang alas-tres ng madaling araw nagising ako para umihi.
Do’n ko naabutan si Tito sa kusina, nakasalampak sa mesa. Akala ko do’n siya buong magdamag pero no’ng gisingin ko sabi niya kakaupo niya lang daw. Sinabihan ko si Titong umakyat na sa kwarto niya pero instead eh hinila niya ‘yong upuan sa tabi niya at pinaupo ako. May pag-uusapan daw kami. Feeling ko nawala ‘yong hang-over ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko, lalo na no’ng tinanong niya ako tungkol sa sinabi ni Archie noon kay Tito na crush ko siya.
Biro-biro lang ‘yon sa ‘min ni Archie noon sa totoo lang pero ‘di ko akalaing tinotoo pala ni tito ‘yon. Todo deny ako siyempre kasi ‘di ba nakakahiya naman. Pero he kept on insisting. Naglabas si tito ng beer sa ref. May chance akong tumanggi at choice ko kung babalik ako sa pagtulog pero that moment, pinili ko ‘yong bawal. Nalasing kami ulit and the rest is history. Hinding-hindi ko makakalimutan ‘yong mukha ni Tito while making love to me. Hindi ‘yon ‘yong first time kong makipagtalik pero ‘yon ‘yong unang beses na na-satisfy ako. May halong kaba pero hindi ako nagsisisi.
No’ng makatulog si Tito saka ako umalis ng bahay. Naglakad ako hanggang sa sakayan saka umuwi sa bahay. No’ng makapasok sa kwarto, saka ko lang iniyak lahat-lahat. Kinaumagahan, hindi ko na hinintay na magchat si tito kasi binlock ko na siya. Inaaya ako ni Archie no’ng Christmas Eve pero sinabi kong darating ‘yong tita ko galing Zambales kahit na hindi totoo. After New Year, bumalik ako agad nang Manila, ‘di ko na hinintay si Archie kasi wala na talaga akong mukhang ihaharap sa kanya.
January 3 ng gabi, nagvivideo call si Archie. Hesitant akong sagutin pero ‘di ko mapigilan saka nagtatampo na rin si Archie. Tinanong niya ako kung bakit napaaga balik ko, sabi ko may importante lang akong aasikasuhin. Hanggang sa sinabi niyang may kakausap daw sa ‘kin, bigla na lang nag-appear ‘yong mukha ni tito sa screen. Nabitawan ko ‘yong phone ko, hindi ko na magawang kunin ulit kasi ayokong humarap sa kanya kahit pa sa video call lang ‘yon.
Pagkatapos no’n, hindi ko na ulit nakita si tito, personal man o sa video call. Habang tumatawag si Archie, nando’n ‘yong kagustuhan kong makita si Tito pero nando’n din ‘yong relief na hindi siya makita kasi alam kong magbi-breakdown lang ako kung sakaling magkaharap kami kahit thru cellphone lang. Ang labo. Hanggang sa kahapon lang, I decided to unblock Tito. Then after a while, he sent me a long text message, confessing his love to me. Pero sinabi niyang hindi pwede dahil bukod sa bestfriend ko ang anak niya, masyado pa akong bata. Ano na nga ulit ‘yong linya sa kanta ni Taylor Swift, ‘yong ""if we had been closer in age maybe it would've been fine, that made me want to die.""
Hanggang dito na lang muna, magpapatuyo pa ako ng unan ko sa ngayon, malay niyo bukas hindi na ulit masakit. Sana nga.
Andeng
2022
BSed
PSU--Send your stories/confessions here: www.usfstories.com. We will try to feature it! ✨
📜FEU Secret Files
▪︎2023▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files