AKING TAHANAN
We were in a relationship since the end of high school, 2012. You were my bestfriend, my chika buddy, my other half. We've gone through enough eversince. We struggled, we've got problems but we overcome those because we're at each other's side. Nag-graduate tayo pareho, nagkatrabaho, then finally, unti-unti na nating naabot pangarap natin.
9 years tayo pero para mo lang akong binasura na gaya ng pinagbalatan mo ng candy. Tinanong kita kung anong problema kasi never tayong nag âway ng ganito kalala. Then naisip ko that there's something wrong. Ba't ganito, hindi maayos-ayos ang maliit na problema?
One time, nag-open ako ng Messenger mo, okay lang naman sayo dati na ganon yung ginagawa ko kasi nga wala ka namang tinatago. Lately, dahil nga napapraning na ko sa kakaiisip kasi gusto kong maayos ang problema in-open ko ang Messenger mo, and right there, nabasa ko ang convo niyo ng ka-work mo na sinasabi mo pa naman na kapatid lang ang turing mo at work related lang a pinaguusapan niyo. Binalewala ko kasi may tiwala naman ako sayo.
Tapos everytime na pumapasok ka ng work okay naman tayo, pero I always have this feeling na parang lumalala yung sitwasyon. Na hindi na kayang ayusin, then sabi ko, hindi naman siguro masamang magtanong sa babae kung ano ang relasyon niyo. So nagtanong ako. Nalaman mong nagtanong ako sa girl kasi nagsumbong siya sayo. Sinabi mong guilty ka sa ginawa ko, na pinahiya kita sa mga kasama mo at sinabi mo na inaway ko yang babae mo. Which in part ay okay lang naman ata yung ginawa ko kasi nagtanong lang naman ako kung ano ang relasyon niyo at ako ang jowa, di ba?
Todo deny pa nga si ate girl na wala. Pero sabi ko malakas ang instinct ko. Napaamin ko yung babae na may relasyon kayo at balak mo pala siyang iuwi na sa inyo. Todo deny pa nga si ate na wala kayong relasyon, pero reading between the lines alam kong may relasyon kayo. Sabi mo pa nga maghiwalay na tayo kasi mahal mo na siya. Pero tinanong ko sarili ko kung paano mo siya naging mahal, e magka-work nga kayo, di naman pareho ang office niyo. Di pa naman kayo nagkakasama ng gaya ng pagsasama na meron tayo.
Then suddenly it hit me, pinapili kita kasi hindi ko na kaya yung nararamdaman ko. Tinanong ko sayo kung siya ba o ako. Di mo sinagot agad. Sabi mo ano sa tingin mo? Pero right there, napaisip ako, na kung mahal mo pa ako masasabi mo agad ang oo, pero wala, maghapon kong hinintay. Which is really heart breaking in my part. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang kasi kung effort lang ang usapan, wala kang mahahanap na kagaya ko. Pero sabi mo kulang ako ng oras sayo.
For 9 years, ngayon ka magde-demand ng oras kung kailan pareho na tayong may trabaho? Na unti-unti na nating naaabot pangarap natin noon. Nagmakaawa pa nga ako sayo, habol ako nang habol pero sabi ko sa Panginoon, Lord magi-stop na po ako, hindi pa naman po ako pagod pero durôg na durôg na po ako. Kaya hinayaan kita sa kung ano yung gusto mong mangyari. Nag-give way ako dahil sabi mahal mo yung babae mo. Kaya imbes na maayos, nasira pa yung tiwala ko sa lahat ng tao.
Ang masakit lang sa parte ko, bumuo tayo ng pangarap pero iba pala ang gusto mo sa hinaharap. Salamat at sana mahanap ko rin yung taong makakapagbigay sakin ng saya. Na binibigay mo ngayon sa kanya. Hanggang sa muli.
Flynn
2017
*Confidential#USFComeback
📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

YOU ARE READING
Tagalog Confessions
RandomConfessions from FaceBook pages like the University Secret Files, Untold Secret Files, Student Secret Files