Chapter One

281 16 0
                                    

Chapter One

I was happy after seeing my baby girl. My wife just give birth and I couldn't even contain my happiness right now.

After my marriage to my beloved wife, wala na akong maihihingi pa sa diyos. Lahat ata sinagot na. On hands kami ni April sa unang baby namin, mula sa binyagan nito.

"Tulog na?" Senyas ni April sa akin na buhat si Nami.

Tumango ako kay April at inuga uga ang anak. "Napagod ata."

First birthday ni Nami, maraming bisita mula sa mga kamag anak. Masayang masaya ang anak ko, pati kaming mag asawa.

Kinalas ko ang neck tie at binuksan ang pinto ng kwarto naming mag asawa. I am a lawyer and I'm a bit exhausted.

"Hi! How's the hearing?"

Pakiramdam ko nawala iyong pagod ko nang makita ko si April na nasa kama at tinatapik ang anak ko. I went up to her and kissed her lips.

"Tiring but good. Kamusta kayo dito? Hindi naman nagsumpong ito?"

Hinaplos ko pa ang noo ni Nami.

"Kapag nagugutom lang."

"Wala kang trabaho ngayon?" Tanong ko pa sa kanya.

"Maaga ako nag out. Lipat mo na si Nami sa crib nya." Tumayo si April. "Paghahanda kita ng damit."

Marahan at maingat kong binuhat si Nami para ilipat sa crib nya.

"Nagdinner ka na, mahal?"

"Hindi pa. I was waiting for you."

---

"Si April?" I asked at the reception desk.

"Nag out po agad."

"Walang binilin kung saan pupunta? Sabi ko susunduin ko sya."

"Wala po, Mr. Dizon."

"Sige, salamat."

I tried calling her but she's not answering. These past few days, my wife became silent for I don't know what for.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nagmaneho. Iniisip ko palang kung saan ko hahanapin si April nang umilaw ang cellphone ko. I immediately answered it.

"April, shit!"

[Hi. Nasa bahay na ako.]

"Sabi ko susunduin kita diba?"

[Sorry mahal. May dinaanan kasi ako, tyaka magluluto ako beef brocolli, favorite mo diba?]

"Geez. You made me worried."

[Uwi ka na, ha. Ingat.]

"Alright. I love you."

[I love you!]

I hung up the call and drove my way home. Niyakap ko agad si April nang makita ko sya. We heard Nami giggled.

"Atty. Dizon."

"Yes?"

"May cliente po ba kayo dito?"

"Kinausap ko lang iyong witness. What can I do for you?"

"Ako po si Nurse Erael. I was wondering if you're wife is April Dizon? Constantly ko kasi syang nakikita dito for some check ups." Pumitik itong babae sa harapan ko. "Ikaw nga siguro iyong nabanggit nya."

"Check up? Buntis ba asawa ko?"

Tumunog ng malakas iyong beeper nung nurse kaya nag excuse sya sa akin. Pinanuod ko ang paglalakad nung nurse papalayo sa akin. Bakit pumupunta dito si April?

Chasing LoveWhere stories live. Discover now