Chapter Fourteen

113 7 1
                                    

Chapter Fourteen

"Hay naku, dami lang talagang feeling perfect dito sa pinas." Ani Valentine noong sinabi ko ang tungkol sa sinabi ni Prosecutor Marcaida.

Nakita kasi namin sya dito sa bar kung nasan kami ngayon.

"Sabi ko kasi sayo tigilan mo na si Crime." Ani Amber.

"Ang kj talaga nito. Porke nasa tamang tao na sya." Segunda ni Rachel.

Natawa si Valentine at umapir pa kay Rachel. Naiiling naman ako at uminom sa shot ko.

"Tandaan mo tong gabi na to, Maia. I really had warn you."

I pouted and hugged her waist. "I know."

"Ayokong masaktan ka. Hindi ikaw to."

"Alam kong masasaktan ako, pero sa huli pa naman kaya okay lang."

As I've said, hindi ko ininda ang sinabi ni Prosecutor Marcaida sa akin. Hindi ko lang maiwasang mapaisip.

"Kaya nga, medyo spoiler ka, Amber."

"Bahala na nga kayo."

Inabutan sya ni Rachel ng shot glass. "Ikaw na shot teh."

Kumuha ako sa chips at kumagat bago ako nasamid nang masipat ko si Archie na pumasok sa loob ng bar. Umiwas ako, hindi dahil sa naiilang ako.

"Archie!" Tawag pa nina Rachel.

"Wag nyo na tawagin."

"Bakit? Affected ka pa? May Crime ka na ah."

Umismid ako. Kumaway lang si Archie sa amin at lumapit para sa shot na inaabot.

I smiled at him.

"I need to go."

"Teh! Maaga pa!" Reklamo ni Valentine.

"It's already nine."

"My god! This is not you, Maia!" Si Rachel na may pagturo pa.

"Tyake hello, TGIF!"

Umiling ako. "May lakad ako bukas."

"No! You stay!"

"Pinilit nyo ko dito tapos aalis ka agad? No, shot mo na." Pagpipigil ni Amber sa akin.

I pouted and got no choice but to sit again. Tinanggap ko ang shot na inabot nila sa akin. I felt my phone vibrated kaya sinilip ko. Grabe kanina ko pa tinext si Crime tapos ngayon lang nagreply.

Crime:
Yes, I'll pick you up tomorrow.

Ako:
What time?

Crime:
7am

"Kailangan ko na talaga umuwi."

"No!"

Nakanguso ako habang nagsasaya kami ngayon dito sa bar. Madami pa akong kakilala na nakita. Until I am fucking wasted.

Hindi ko na nga alam paano ako nakauwi, basta nagising nalang akong nasa kama ko. Masakit ang ulo at nag iingay ang cellphone. Nanlaki ang mata ko dahil nine am na!

"Oh shit!"

I stood up and panic for a seconds. Maraming missed calls si Crime sa akin. I groaned before dialling his number.

[Already up?]

"I'm sorry. Ugh, mag aayos na ako."

[Alright, papunta na ako.]

"Saan ka galing?"

[Hinatid ko si Nami sa swimming lesson nya.]

"Okay. Mag aayos na ako."

Chasing LoveΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα