Chapter Eight

149 12 0
                                    

Chapter Eight

I woke up with the good smell of bacons. Kakababa ko palang ng hadgan pero iyon na ang naamoy ko. Nakaligpit na din iyong sofa kaya alam kong si Crime na iyong nagluluto sa kusina.

Sumilip ako ng dahan dahan at nakita syang kausap si Nami sa video call. Napasandal nalang ako sa may bukana ng kusina at pinanuod sila. They were too cute not to watch.

"Sige na. Behave kay Lola ha."

Crime ended the call and notice ny presence. I shifted and walked straight to the ref for some fresh milk.

"No hangover?" I asked.

"Konti." Aniya.

Sya na yung naghain ng hapag kainan kaya naupo na din ako sa tabi. It was just a typical breakfast for us. Nakapag simula na kami nang kumatok si Mang Serio.

"Kain po," ani Crime.

"Ay sige po. Sasabihin ko lang po sana na nakabalik na sina Annabelle." Anito. "Pero kumain nalang po muna kayo."

Right after we ate, lumabas na kami ni Crime at kinatok ang bahay ni Annabelle. She was expecting us, nilahad ko sa kanya si Crime na kakausapin nya tungkol sa lupa. Hinayaan ko sila magusap na dalawa.

Mga isang oras siguro nang tumayo na si Crime.

"This will prove that the land is still owns by the Saavedra." Tumungo sya bago ako hinarap.

"Okay na?"

"Already got the title."

"Oh my god!" Dala ng tuwa ko, napayakap ako.

Oh well.

He slightly tapped my back. Lumayo ako.

"I'll report this to your Dad."

Tinalikuran na nya ako, sumulyap pa ako sa bahay nina Annabelle. I flipped my hair and smirked. They deserve it, amin naman talaga ang lupa.

I was watching Crime as he makes a report about this matter. He was so passionate with this tapos napaisip ako. Is this the sign para magtrabaho na din ako? Pag nagtrabaho ako, will I fit in his world now? Will be responsible to take care of him and Nami?

Kinagabihan, gumawa na sya ng dahilan para hindi na makipag inuman kina Mang Serio. He doesn't favor the c2 gin kaya tumambay nalang sya sa tapat ng laptop nya.

"How's Nami?"

Inangat ni Crime ang tingin nya sa akin. Tumagal ang titig nya bago sya kumurap.

"She's okay."

"I bet she misses her mom."

Tumango ng marahan lang si Crime. Oh, I hit the sensitive topic for him. Tumayo nalang ako at kumuha ng canned beer sa ref.

"Maaga tayo bukas. Don't drink too much."

"Oa naman. It's just one beer."

"I'm just reminding you."

Lumagok ako sa alak at nag indian seat sa harapan nya.

"Crime."

"Hm?"

"If were given a chance, how can I fit into your world?"

"Maia."

"Alam mo ha. Vocal naman ako, gusto talaga kita." Pumikit pa ako. "Sorry sa asawa mo pero gusto talaga kita."

Pagmulat ko, nakatitig lang sya sa akin. Diretso sa mata ko. I blinked and stood up.

"Not with the lust okay."

Chasing LoveWhere stories live. Discover now