Chapter Twenty Five

128 11 0
                                    

Chapter Twenty Five

No one dares to speak as soon as I pulled over infront of his house. Sumilip pa ako sa may gate.

"Nami's not here. Nasa Cebu sya kasama ng parents ni April." Kinalas nya ang seatbelt. "Sayang, hindi kayo magkikita."

"I don't mind."

"Thank you, ingat ka pagmamaneho." Aniya sa paos na boses.

Hinigpitan ko ang hawak sa manibela at hindi na sya nilingon noong bumaba sya. I move the steering wheel but he knock on my window.

"Are you okay, Maia?"

"Yes. No worries."

Crime slightly nodded and took a step backward. Nagmaneho na ako paalis at dumiretso na sa bahay. I tried calling Amber but she's not answering me!

I didn't go for work the next day. Tanghali ako nagising at bumaba na para kumain ng breakfast.

"Pumasok po si Daddy?"

"May lalakadin daw sya."

I nodded and continue eating. Dahil day off ko naman, pinili ko nalang magswimming mag isa.

[So? Nagusap na ba kayo?]

"I thought you're against us?"

[Uhm, mukha naman kasing mahal mo si Crime.]

"I'm moving on, Amber."

[Kahit na he talked to me one day? Asking kung ano ba daw dapat nyang gawin para maniwala kang mahal ka nya? And oh my god, he did actually love you, Maia?!]

"I'm done, Amber. I just wanted us to be civil... kung pwede."

[You sure?]

Tumango ako. "Anyway, may gagawin lang ako. Call you later if you're not busy."

[Papasukat tayo ng gown bukas for Rachel. Bye love you.]

I ended the call and immediately swam to ease my mind. Nang tumagal tagal na ako, nagdesisyon na akong umahon. I wipe myself with a towel and went inside.

May narinig akong tunog ng sasakyan sa labas.

"Manang, nandyan na si Dad?"

"Opo, Ma'am."

Tumuloy na ako sa kwarto at nagbanlaw. I wore a loose tshirt and a cotton short. Nilugay ko nalang ang buhok ko at bumaba na.

"Ma'am, sa balcony daw po kayo sabi ni Sir Ortiz."

"Thanks."

Dire diretso ako ng lakad papunta doon at nakitang naka set up ang dinner namin ni Daddy. I went to him to kiss his cheeks.

"Hi. Where have you been?"

"Golfing. You took an off?"

Umupo na ako at nagde-kwatro pa.

"Yes. For a change. Nagswim ako all day. Sorry for my hair."

Matagal tumitig sa akin si Daddy, kumunot ang noo at may sasabihin sana kaya lang nakita kong pumasok sa balkonahe si Crime.

"Darling, I invited Atty. Dizon to join us for dinner."

Napaayos tuloy ako ng upo. God, I'm not wearing a bra. But who cares?

"Pagkatapos sa pinuntahan namin, nag golf kami at inaya ko syang magdinner. I hope you don't mind, anak?"

Sinulyapan ko si Crime na matamang nakatitig sa akin ngayon. I cleared my throat.

"Yeah, sure."

I started eating, pakiramdam ko nga lang mabubutas ang pisngi ko dahil sa riin ng pagtitig nya. Kinakausap naman sya ni Daddy pero nakatitig pa din sa akin. Ano ba to?

Chasing LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon