Chapter Twenty Four

121 10 0
                                    

Chapter Twenty Four

Got a freaking hangover the next morning. I literally dragged myself out of my bed and started my routine. Hindi sapat yung kape na ininom ko sa bahay kaya dumaan ako sa Home Gallery.

Nakapikit nga ako sa loob ng elevator. Pinagtawanan pa ako ni Daddy. Oh great.

Umayos ako nang makarating na sa mismong floor at naglakad na. Tumayo si Genwin at alangan na ngumiti sa akin.

"Miss."

"Mga five minutes, Genwin. Masakit ulo ko."

Pumasok na ako sa loob ng office ko pero natigilan ako sa nadatnan doon. Crime is sitting pretty on my new couch, and he's holding a bouquet of flowers.

"God, I don't have time for you."

"Good morning,"

Ang bilis nagsink in sa akin lahat ng mga pinagsasasabi nya, ang rason kung bakit ako nagpakalasing kagabi.

"Atty. Dizon, I don't have time for you and your shits."

He casually handed me the bouquet of flowers. Kinuha nya ang kamay ko para ilagay doon.

"What's you deal?"

"Proving myself for the second chance." Yumuko pa sya. "Have a great morning."

Natulala ako sa paghalik nya sa pisngi ko. Bago pa ako makapag react, nakalabas na sya ng opisina. Inis na tinapon ko iyong bulaklak dahil para san pa?

Kaya kahit masakit ang ulo ko, binuro ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. No way in fucking hell that I'll let him have that second chance!

"Miss, delivery po. Flowers."

"Nakita mo yung trash bin, pakitapon doon."

He's always giving me flowers or other stuffs. Hindi bagay sa kanya.

"Miss, uwi na po ako."

"Oh, sige! Ingat ka."

Tinapos ko na ang trabaho ko at nag ayos na din. Tambak ng bulaklak ang basurahan sa isang linggong pagbibigay nya niyon.

Nagkasalubong pa kami sa may pinto ng opisina ko.

"What now?"

"Nami's asking if you can have dinner with us?"

"No."

Tinulak ko sya at sinara na ang pinto. Nilampasan ko sya ng lakad, napasinghap ako ng hawak nya ako sa braso at pinasok sa elevator.

"Please! Wala akong panahon sayo!"

"Uhuh."

Inirapan ko sya at mabilis lumabas sa elevator noong bumukas.

"Maia."

"Crime! Will you stop!?"

"Make me stop then."

Pinasadahan ko sya ng tingin. "You know what, you look like a pathetic."

Hindi sya natinag sa sinabi ko. Naiinis na tinalikuran ko na sya at sumakay na sa sasakyan ko.

Akala nya ba ganun kadali lang lahat?!

Crime personally gave the invitation for Nami's birthday party. But I'm not going. I took overtime for work, at dinamay ko si Genwin para hindi makalusot si Crime sa opisina.

"I'm really sorry for taking some of your time, Genwin."

"Okay lang, Miss."

"In exchange, you can take an off tomorrow."

Chasing LoveOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz