Chapter Six

139 13 0
                                    

Chapter Six

"Hindi ako ang pinunta mo dito." Nanliliit pa ang mata ni Amber sa akin.

"Syempre, kasama ka din dun."

Inirapan nya ako. Sumilip ako sa loob ng room ni Nami, she's quietly writing her notes.

"Gio! Anong ginagawa mo dito?"

I looked back and saw Gio coming, sinalubong sya ni Amber. I rolled my eyes at them.

"I'm picking you up. Matthew's asking for you."

"Tapusin ko lang last class ko."

Tumingin sa gawi ko si Gio. I cheekily smiled at him.

"Maia the brat."

"Thank you. I miss you too."

"Wait lang. Balikan ko lang sila sa loob."

Maarteng umupo ako sa gilid, slightly fixing my gucci skirt.

"I'm kinda surprised that you're here, Maia."

"Masama na ba ivisit si Amber?"

"I didn't say anything."

Natawa si Gio at ginulo ang buhok ko. Inis na sinuway ko pa sya.

Maya maya pa, nagdismiss na si Amber. I stood up, waiting for Nami. Sinigurado kong ma-lelate si Crime ngayon kasi may meeting sila ni Dad. For now, I needed to be with his daughter to get his attention.

Sinundan ni Gio si Amber sa faculty kaya naman inabangan ko si Nami. Pinanuod ko syang umupo sa spot kong saan pwedeng maghintay ng sundo nya. I silently watch her.

Siguro, thirty minutes na bago ko sya nilapitan. Ang lungkot na naman kasi ng mukha nya.

"Hi Nami."

"Hello po!"

Tumingin sya sa mata ko at hinaplos pa ang pisngi ko. It kinda warms my heart.

"Hey, do you wanna grab some ice cream?"

"Pwede po?"

"Oo naman. I'll treat you."

"Pero si Papa ko po."

"Don't worry. Babalik kita agad. Doon lang tayo sa malapit." Hinaplos ko ang buhok nya. "Deal?"

In the end, Nami trusted me so easily. Sumama sya sa akin. Dinala ko sya sa mall, naglaro muna kami sa timezone bago kami kumain ng ice cream. I was just watching Nami as she eats her ice cream.

"Ang ganda po ng eyes nyo."

"Oh, my name's Maia. You can call me Tita Maia."

"Friend po kayo ni Papa ko?"

"Yes." Sagot ko. "Kain ka lang ha."

Pinunasan ko pa ang bibig nya. Ngumiti sya sa akin. Habang nakatingin kay Nami, napaisip ako bigla na ang swerte ng Mama nya. Ang swerte nila kasi mahal sila ni Crime. All my life, ito lang ang hiniling ko pero mukhang dehado pa.

Sa kakalakad namin ni Nami, naramdaman kong hinila nya ang skirt ko.

"Antok na po ako, Tita. Can we go home?"

"Oo nga pala. Halika, buhatin kita."

I didn't bother if she's heavy. Binuhat ko sya at naglakad na palabas ng mall. Pero natigilan ako kasi nakita ko si Crime na papalapit sa amin.

"What are you doing?!" Aniya.

Inagaw nya si Nami sa pagkakabuhat ko, muntik pa akong mabuwag sa kinatatayuan ko nito.

Chasing LoveWhere stories live. Discover now