Chapter 15 ( day 4 )

134 26 1
                                    

Alexandra's POV

Tapos na naming i-repaint ang first year building kaya ang gagawin namin ngayon ay mag tanim at maglinis sa school.

Ang hirap i-arranged ng mga sport tools. Grabe .. Nakakapagod.
Pero utos to ni lolo, kailangan kong sumunod.
Siguro kung pa-project lang ng mga teachers to pwede kong i-ignore.
Kaasar si lolo -____________-

"BREAK GUYS" sigaw ni robert na sapat para marinig ng lahat.

Hayy thank gawd! Pwede ng magpahinga. Ang init dito sobra !

"girls tara na .." aya ko

"sa room muna tayo xandra .. Sobrang init e, palamig muna tayo dun" sabi ni lindsey kaya nag nod lang ako.

"woooooh! TUBIG" nag panic na kami dahil kay zuey, na dehydrate ata sya.

Biglang nag abot ng bote si kyle.
Ininom yun ni zuey hanggang sa maging okay na sya.

"yieee! Naka lips to lips na nya ko" OMO! Bawas na pala yun? Grabe si kyle, grabeng damoves yun.

Biglang may bumulusok na tubig mula sa bibig ni zuey at tumama yun sa muka ni kyle.

"pfft hhahahahaha" di ko na kaya. Di na namin kaya .. Hahahaha

"ay thank you sa inyong lahat ha" sarcastic nyang sabi

"no prob" sabat ko kaya naman inirapan lang ako ni unggoy.

"tara na sa room .. I-turbo cool pa naten yung aircon kung gusto nyo" pagbibiro ko at lumakad na, ganun din sila.

Sobrang init naman kasi e.
Kanina pa kasi kami bilad sa araw e.
Buti pa nung nag pipintura kami laging nasa malilim kaso tapos na kami don.
May kanya kanya kasing inassist na grupo si robert sa iba't ibang buildings ng school at yung samin tapos na.
Ang bilis no? Madami kasi kami tsaka like duh ! Kasama nila ang dyosa.

Nag unahan na yung tatlong unggoy na pumasok sa loob kaya napapailing nalang kami.

"wooooh" halatang sarap na sarap sila sa lamig. Pano ba namang hindi kung kanina pa kami babad sa araw.

Nakakapresko.

Shemay na uuhaw na ko.
Tsk . Makababa na lang.

"bibili lang ako" tumayo na ako at lumabas.

Seryoso kong naglalakad ng makakita ako ng nagkakagulo. Nag kumpulan yung mga third and second year student sa harap ng third year building at sumisigaw sila ng 'IIYAK NA YAN' .

Nacurious naman ako kaya agad akong lumapit dun.

"LAYAS!" sigaw ko kaya tumigil sila at humawi lahat ng studyante na nakaharang sa dadaanan ko.

Shit! Parang hindi na makahinga yung girl na pinagkumpulan ng mga studyante dito.
Sobrang dumi nya. Puno ng white paint at kung anu-anong pagkain yung muka at buo nyang katawan.

"hey ! Anong nangyayare dito?" pagtataray ko.

"k-kasi p-po queen yung babae na yan nakita namin kahapon ng uwian na kasama at sumakay pa sa sasakyan ni robert" paliwanag nung isang nambubully na i think third year.

"tsaka queen pati si zayn .. Nakita namin sya kahapon kasama si zayn. Pagtapos ni zayn nung uwian na si robert naman ang kalandian" paliwanag pa nung isa.

"yah! Feeling yang transfer na yan!" sigaw nung isa at nagsimula na naman ang ingay.

"QUIET!!!" sigaw ko kaya nanahimik sila.

Napatingin ako kay girl and .. And ..

"SHIT!" Hindi sya makahinga.
May asthma ba to?

Kinalkal ko yung bag nya at nakita ko yung inhaler nya kaya agad ko yung binigay.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now