Chapter 31 ( her silence )

29 9 0
                                    

Lindsey's POV

"Xandra !! Yuhoo !!" Panggigising ko kay xandra na mukang lumilipad ang utak.



"Yeah?" Napapoker face ako bigla sa sinagot niya. Oo xandra oo!



"Ano bang nangyayari sayo?" Ako nalang bang normal sa aming tatlo? I mean .. sa lahat ng tao sa paligid ko -_________-


"W-wala, don't mind me" walang gana niyang sagot.


Naalala ko na naman yung ginawa niya kahapon .. simula nung hinabol namin si zuey ng pinasok siya sa loob ng ambulansya hanggang sa niyakap niya ako ng nagaantay kami sa waiting area.


Oo nagulat ako sa ginawa na yun ni xandra kasi hindi naman ganun si xandra, siya yung taong akala namin talagang wala ng pakialam sa ibang tao pati na rin sa amin, siya yung akala namin wala na talagang puso.



Kasi ang akala naming lahat, nagbago na siya ng tuluyan ng mamatay ang lola niya.



Pero dahil sa ginawa niya kahapon, nabago ang pananaw ko sa kung sino ba talaga siya.



Siya pa din pala yung alexandra na naging trying hard sa pagiging mataray, cold at mean nung pumasok kami dito sa lorenzo high. Noon. Siya pa din pala yung alexandra na sweet, malambot, may takot. Siya pa din pala ai alexandra na anghel sa paningin ng maraming tao hanggang sa tuluyan na kaming naging demonyo sa paningin nila.


"Tara na .." aya ni kyle. Kasama kasi namin silang tatlo para dalawin si zuey.


Bumaba na kami isa isa at nagsipasukan sa loob ng ospital.



"Dito ba yun?" Tanong ni nathan ng makarating kami sa tapat ng isang puting pinto kaya naman nag nod ako.


Pagbukas namin ng pinto, bumungad samin sina zayn at tita zia pati na rin ang natutulog na si zuey.


"Kamusta siya tita?" Panimula ni xandra kaya nagsipasok na kami ng tuluyan.


"Kailangan niya munang magpahinga sandali" nakangiting sagot nito.


"Maiwan ko muna kayo dito xandra okay? Bibili lang ako ng pagkain" nakangiti lang kaming nag nod kay tita zia. Kinuha niya na ang bag niya at lumabas.




"Kamusta?" Biglang salita ni kyle kaya napatingin si zayn sakanya at umiling. Eto na naman! Yung sila lang ang nagkakaintindihan. Ano ba talagang meron?


"Mmm .." napatingin kami bigla kay zuey at mukang gising na siya.


"Ouch" daing nito ng magalaw ang kaliwang binti niya na nagalaw niya.



"Oh guys? Anong meron? Teka bat parang .." napatingin siya sa binti niyang nakasemento na.



Bigla siyang tumingin sa amin ni xandra at tinitigan kami sandali hanggang sa unti unti ng bumuka ang bibig niya.


"Guys iwan niyo muna kami ni kyle, may paguusapan lang kami ng BOYFRIEND ko" sabi niya at diin na diin ang boyfriend. May mali talaga ngayon kay zuey .



"Ganon .." nasabi nalang ni xandra at tumalikod na kaya ganon din ang ginawa naming tatlo nina nathan at robert na tahimik lang.



"Wait guys .." napangiti ako sa sinabi ni zuey, sabi ko na nga ba! Hindi niya kami matitiis.



Sa aming tatlo, si zuey ang pinaka bubbly. Tsaka hinding hindi kami nagtago ng sikretk sa isa't isa kaya alam kong hindi itutuloy ni zuey ang pagpapalabas niya sa amin.


Mean GirlsWhere stories live. Discover now