Chapter 21 ( epic date )

133 22 12
                                    

Zuey's POV

"ate gumising ka na nga dyan!" sigaw ni zayn sa tenga ko. Aish napaka talaga nito!

"uyy! Napaka mantika mo talagang babae ka!" tinakpan ko nalang ng unan ang ulo ko. Ugh antok pa talaga ko e.

"KUYA KYLE AKYAT KA NA LANG DITO!!" bigla akong napaupo at tumakbo papunta sa CR. Nakalimutan kong may sundo nga pala ko.

"hahaha ate alis na ko ha. Susunduin ko pa si thea" sabi ni zayn habang kumakatok.

"KELAN KA PA NATUTONG MAG PAALAM SAKIN?! LUMAYAS KA NA LANG PWEDE?! TSUPI!" sigaw ko mula sa banyo.

Mabilis pa kay flash akong naligo at nag ayos. Epekto sa mga taong inlove. Ewan ko ba! Ginayuma ata ako ni kyle.. Na inlove ako bigla ng ganito, i mean i never felt this kind of happiness before kahit sa mga ex ko.

Hayys. Kyle Soguillion ano bang ginawa mo sakin?!

Dali dali akong bumaba at naabutan ko siyang kausap si mom.

"morning mom, aalis na kami" singit ko sa usapan nila.

"oh andyan na pala ang prinsesa. Naku! Inlove ang mga anak ko ngayon and im so happy with that. You may go, take care" nakipag beso na ko kay mom at ganun din si kyle.

"alis na po kami tita" nagnod si mom kaya lumakad na kami palabas.

Pinagbuksan niya ko ng pinto sa frontseat kaya sumakay na ako at ganun din siya.

Nagulat ako ng lumiko siya. Wait?! Hindi naman to papunta sa school ah?!

"hoy kyle saan tayo pupunta? Anong oras na male late na tayo" natawa siya bigla. Huh? Anong nakakatawa?

"bat ka tumatawa aber?" pinisil niya ng mahina ang ilong ko. Wait?! May mali kay kyle ngayon.

"you know what zueymyloves? Im so happy na nag iimprove ka na, takot ka ng malate. I mean may kinatatakutan ka na at nabawasan na pagiging ano mo .. Alam mo na" piningot ko siya ng sobrang lakas. Aba bwiset na lalaki to!

"ara aray aray! Mababangga tayo!" binitawan ko na siya at sumandal kaya natawa siya bigla. Ang saya nya no?

"pero seryoso zueymyloves--"

"kelan ka pa naging seryoso?"

"ngayon. Sayo" sabay kinindatan. Waaaah! Ang init ng pisngi ko!!! Putres ka kyle! Bwiset.

"ang cute cute naman pala mg zueymyloves ko pag nagba blush" pinisil niya ang pisngi ko kaya pinalo ko ang kamay niya.

"hindi ako nagblush. Mainet kasi alam mo yun!" pinaypay ko pa ang kamay ko. Sige na! Ako na kinikilig. Sino bang hindi kikiligin sa kindat niya?

"hahaha sige lang zueymyloves. Basta keep it up, its better kung ganyan ka" napakunot naman ang noo ko.

"what do you mean?" ngumiti siya sakin at ibinalik yun sa daan.

"maging ganyan ka. Bawas sa pagiging mataray at pagiging mean. Mas nakakainlove ka pag ganyan" huminto na kami sa isang pamilyar na park. Oh yes! Dito niya ko binigla dun sa about panliligaw niya.

Pinagbuksan niya ko ng pinto kaya bumaba na ko at lumakad na kami hanggang sa ilalim ng puno, dun kami naupong dalawa.
So talagang hindi kami papasok ngayon? Woah! Great.

"teka nga kyle. Are serious about us?" inakbayan niya ko habang magkatabi kaming nakaupo sa ilalim ng puno.

"im really serious sana ikaw den" ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"pero im such a mean. Kadalasan sa mga gusto niyong mga seryosong lalaki diba mabait? Nerd? Normal? Nobody?" hinihimas himas niya ang buhok ko.

"hindi lahat. Iba iba pa din kami and it depends kung kanino kami matatamaan. Wait may tanong ako" tumingin ako sakanya. Yeah he's right.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now