Chapter 22 ( Tutee )

106 21 10
                                    

Alexandra's POV

Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng maghirap kami dahil sa pesteng project namin. Dalawang linggo na din ang lumipas simula ng maging close nung dalawa yung tatlong unggoy, yeah! Sila lang.

Magsisimula na nga kaming mag review para sa exam namin next week. A boring school week again
-______________-

"pupunta daw si don mariano mamaya?"

"weh? Baka dahil kay queen?"

"hindi. May ia announce daw"

"baka about sa project?"

"ewan. Bahala na hahaha"

Rinig kong usapan ng mga classmate ko kaya napatingin agad ako kila zuey.

"ewan" sabi agad nila. Hmp problema na naman kaya ni lolo?

Yumuko ako ng ilang segundo at pag angat ko ng ulo ko may tatlong unggoy na sa harapan naming tatlo. Hayy naku! Mag sisimula na naman sila.

"hi girls" kumakaway na sabi ni kyle.

"bat nakabusangot mga muka niyo? Syempre except kay zuey, inlove e" nakatikim naman ng napakalakas na kurot sa tagiliran si nathan.

Hayyss talaga palang inlove na ang mga bestfriend ko. Sa una medyo nakakailang kasi di ako sanay na hyper at masaya sila, like you know dati sobrang cold at once in a blue moon lang sila ngumiti, ngayon nag enjoy ata at ina araw araw na nila.
And the worst thing i know, yung kinatatakutan ko .. Yung pagiging malambot nila. Bumabait na nga ata sila, kaso wala na kong magagawa. Susuportahan ko nalang siguro sila.

"MOLDITOOOO!!" napapikit ako bigla. Hayup! Ang sakit sa tenga.

"PROBLEMA MO?!" sigaw ko kay nathan pero tinawanan lang nila ko.

"nagde daydream ka kase" sagot ni robert.

"good morning class" biglang salita ng teacher sa harap kaya kanya kanya na ng balik sa pwesto ang mga classmate ko.

"nandito si don mariano, may ia announce siya sa inyo" pumasok si lolo at tumayo sa harap kaya tumayo na rin ang mga classmate ko except saaming tatlo.

"good morning fourth year - A. Gusto ko lang kayong i-congratulate sa project niyo. You all did a great job, and of course to your leaders alexandra and robert. Good job" nagpalakpakan ang mga classmates ko.

"anyway the six of you. Xandra, lindsey, zuey, nathan, kyle and robert pumunta kayo sa office ko mamayang breaktime okay? So that's all" nagkatinginan kaming tatlo. Ano bang meron?! Masyado ata kaming ine expose ni lolo sa tatlong to.

Lumabas na si lolo at sinimulan na ang boring naming klase sa history. Wooh! Nakaka antok.

>fast forward

Breaktime na namin kaya kanya kanya na ng labas ang mga classmates ko.

"tara na" aya ni kyle.

"saan?" tipid kong tanong.

"sa office ni don" aish! Oo nga pala. Isa isa na silang naglakad palabas kaya sumunod na ko.

Payapa akong naglalakad ng ..

"waaaaaaaaaaaaah!" naipikit ko nalang ang mata ko. Sino ba kasing nagiwan ng hinayupak na balat ng saging dito?! Teka! Bat parang hindi ako sumasalpak sa sahig?

Unti unti kong minulat ang mata ko. Nakita ko naman ang muka ni robert. Sinalo niya ba talaga ko?

Hindi na ko makagalaw sa posisyon namin dahil konting galaw lang mahahalikan ko na siya. Sing nipis nalang ng piso ang pagitan ng mga muka namin. Napatingin ako sa labi ni robert.. Aish! Bakit parang tinatawag ako ng labi niya.

Mean GirlsWhere stories live. Discover now